Kabanata 46

3.4K 85 13
                                    

Imbis na sumaya, mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil sa kabila ng lahat pareho pa rin kami ng nararamdaman. I'll admit it...mahal ko pa siya. Hindi ako sigurado kong nawala ba ito sa dibdib ko o namahinga lang.

Pareho naming nasaktan ang isa't-isa at hanggang ngayon, may parte pa rin sa puso ko na nagtatampo o galit dahil sa itinigo niya sa akin ang lahat. Kung sinabi niya sana sa akin, oo, masasaktan ako panigurado, parehong sakit man o hindi. Pero mas mabuti pa nga iyon kaysa nag mukha akong tanga.

Napatigil ako sa paghikbi at hindi umimik na siyang dahilan kung bakit nag-angat nang tingin si Mike sa akin. My heart throbbed more as I saw the pain in his eyes, like he's pouring everything now. Like he's showing all the pain he had kept.

"I'm sorry...if I was too scared to choose you," he started with broken voice. Napayuko naman ako dahil hindi ko na kayang makita siyang ganiyan. I'm used to see him strong, intimidating...not like this.

"Hindi ko alam saan ako magsisimulang humingi...ng tawad sa'yo," aniya sa isang basag na boses at gamit ang isang daliri ay inangat niya ang baba ko kasabay ng pagkahulog ng luha sa mga mata ko. "I was being torn between choosing you over my mom..." I inhaled at palipat lipat sa mga mata ko ang mga titig niya.

"T-Tama naman siguro...ang ginawa mo," mapait kong saad kahit kabaliktaran no'n ang naramdaman ko noon. Ginusto kong piliin niya ako kaysa sa kagustuhan ng mama niya. Kaya natatawa ako sa aking isipan dahil nasabi ko iyon.

Umiling siya. His hands went down looking for mine and held them tightly. "Lahat ng ginawa mo sa akin, deserve ko lahat ng iyon. If you're not satisfied with it...do it once again, Lana. Dahil lahat ng iyon, kulang pa para mabayaran ko ang nagawa ko sa'yo..."

May dumaang sakit ulit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. All this time, I've been dreaming for this moment to come. That he would explain to me. Dahil pakiramdam ko iyon ang kailangan ko para makapagpatuloy nang walang dala dalang sakit sa dibdib. Walang dalang mapapait na karanasan. Hindi ko naman aakalaing masakit din pala ang makitang magpaliwanag siya sa harapan ko ng buong puso...at nasasaktan.

Thought seeing him in pain would make me satisfied or relieve ...but I was wrong. It doubled the pain in my heart that I was trying to heal through time. Sa oras at panahon ko na lang iniasa ang lahat. Dahil lumipas na ang panahon, kahit sinubukan ko, wala pa ring pumalit sa kanya sa puso ko.

I'm done crying, I'm tired running from the pain that's lingering in me. Kaya haharapin ko na lahat nang mga katanungan sa isipan ko. Maybe, after sorting this out would make me forgive him totally. We can forgive people without welcoming them back in our life.

Apology accepted, access denied.

I took a deep sighed and looked at him in the eyes. "Bakit...mas pinili mong itago sa akin ang lahat, kaysa ang sabihin ito. S-Sa tingin mo ba, maaayos mo lahat nang hindi sinasabi sa akin?" Memories came rushing to me like a flood from the mountains.

Tumango siya at saglit na yumuko. "Duwag ako...ang duwag duwag ko para ipaglaban ka. Naguluhan ako no'n...kung alin ang uunahin ko," tumitig ulit siya sa akin. "Ang paluguran si Mama o ang...ipaglaban ka."

Hindi ko akalaing sasabihin niyang naduwag siya. Pero naiintindihan ko siya, mahirap ang pumili sa pagitan ng magulang at taong minamahal. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko na lang siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Dahil kahit ano'ng gawing pagtatanong ko, wala na, tapos na ang lahat...lumipas na.

"Wala akong ibang minahal maliban sa'yo, Lana...Ikaw lang dati...pati ngayon," aniya at nag-iwas ako ng tingin. The unexplainable I'm feeling was too much to contain. "I married Shelly dahil akala ko pareho kami ng gusto..."

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon