Kabanata 26

2K 39 6
                                    

He was dragging me and gripping me so tightly. Mahahaba ang biyas niya kaya nahihirapan akong makasunod sa kanya. Dinala niya ako sa parte ng isla na walang tao at may nakikita akong sandbar sa dulo. Parang walang nagagawi dito dahil wala namang daanan.

"Wait. Saan ba tayo pupunta?" I asked him at hinaklit ko ang kamay ko sa kanya.

He turned to me at hindi na siya mukhang galit 'gaya kanina. Malamlam ang kanyang mga mata at huminga siya ng malalim.

"I'm sorry, I wanted to surprise yo-"

Before I could finish, he suddenly pulled my hand and hugged me so tight. I could even feel the warmth of his body. He kissed my forehead too before facing me. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang kamay niya.

"I'm so worried. Hindi ka nagre-reply. Hindi rin kita ma tawagan. It's been days since you've contacted me. Hindi ako makapag trabaho nang maayos dahil sa kaiisip ko sa 'yo at wala akong magawa dahil hindi ako makapunta sa Maynila dahil wala akong passes. Tapos, makikita kita bigla dito."

He said it and never taking his eyes off of me. Kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala and I somehow felt guilty. Mali ba ako sa surprise ko? Hindi ba siya natutuwa na nandito ako?

"Sorry na… Gusto ko lang naman e-surprise ka," I told him while my head was lowered.

He lift up my chin using his index finger and watched at me intently in my eyes. Parang pinapasok ng mga mata niya ang kaloob-looban ko. Bago pa man ay pinatakan na niya ako ng isang marahang halik sa labi. It only happened in a split second. Namumungay ang kanyang mga mata nang tingnan niya ako ulit.

"Yes, I was so damn surprised. Pero ayokong pinag-aalala mo 'ko nang gano'n dahil malayo ako sa 'yo…" aniya.

Napanguso ako dahil pinipigil ko ang pagngiti.

"Tapos makikita pa kita doon sa mga kasamahan ko," dugtong pa niya at namula ang kanyang teynga sabay nag-iwas ng tingin.

I bit the insides of my cheeks to stop myself from smiling.

"Are you jealous ba?" panunuya kong tanong at hindi nakatakas sa akin ang pag-irap niya bago ako tiningnan ng masama.

"Sino'ng may gusto makita ang girlfriend kasama ang maraming mga lalaki? Tapos hindi pa tayo nag-uusap," maktol niya na para bang bata.

I pursed my lips. "Nagseselos ka nga?" ulit ko pa and he groaned. Halatang iritado na at humakbang pa siya. Mukhang balak pa akong iwan.

Bago pa siya makalayo sa akin ay niyakap ko na siya sa likuran niya. He stiffened at matagal bago pa siya kumalma sa yakap ko.

"Sorry na nga," panimula ko . "Paano pa matatawag na surprise 'yon kung sasabihin ko sa 'yo ang plano ko. Hindi ko na uulitin, promise."

Huminga siya ng malalim at hinarap ako habang hindi naalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. He looked at me with his soft eyes. Wala na ang bakas ng galit at gulat kanina nang makita niya ako.

"You'll never do it again, okay? I like surprises, pero ayaw ko nang gano'n…na hindi mo 'ko kino-contact. I was driving nuts dahil sa ginawa mo. Ni hindi ako nakatulog simula nang huli kang mag-text," aniya at tonog nagtatampo iyon.

God, how could he sound like that and at the same time…cute?

Itinaas ko ang isang kamay ko. "Promise! I will never do it again, love."

Magkahawak-kamay na kami na bumalik kung nasaan ang tent namin. Nakaupo sa buhanginan sila Shelly at V nang maabutan namin. V was grinning while looking to us and Shelly was smiling.

The Mistress Where stories live. Discover now