Kabanata 18

2K 40 6
                                    

I was laughing thinking about Mike being left there confused. Akala ko pa naman hahalikan niya ko or something. Ngayon pa ba siya mahihiya kung kailan kami na? E, noong hindi pa kami, may pa halik sa noo ko pa siyang nalalaman.

Naglalakad ako papunta sa building namin nang may nahagip ang mga mata ko. I can't be wrong. That's Veronica in the engineering department? What the hell is she doing there? Wala naman siyang kilala roon o ano.

"What are you doing here?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

Hindi man lang siya mukhang nagulat na nakita ko siya rito.

"I was waiting for someone," aniya.

Kumunot ang noo ko. "Who?" I asked her, she looks defeated.

"Jundi."

I tilted my head to think of someone named Jundi. Wala naman akong kilalang Jundi! Mas matagal na ako rito tapos siya kilala kung sino man 'yon?

"The nerd guy, Lana. That's his name," aniya na para bang nabasa niya ang mukha ko na nag-iisip kung sino ang tinutukoy niya.

Umirap ako sa kanya at iniwan siya. Ewan ko sa babaeng 'yon. Parang tangang sunod nang sunod sa lalaking kulang naman sa ligo!

5 minutes late na kami at muntik pa kaming mapagalitan ng prof namin. Buti na lang at na distract siya pagpasok ni Shelly na nahuli rin. She smiled apolegetically sa prof namin at naupo na sa tabi ko.

"Akala ko nauna ka na dito," sabi ko.

"Natagalan kasi sa HR kaya ito, late," giit niya.

"Really?" sabay kaming napalingon kay Veronica na sa cellphone naman nakatingin. "Wow, unbelievable! I'll get you!" sabi ni V sabay ngiti.

Napahinga na lang ako ng malalim. Akala ko sumabat siya sa usapan namin ni Shelly.

The classes went well at nahirapan akong balansihin ang atensyon ko sa dalawang kasama kong hindi magkasundo! Shelly is never a problem. Ito lang talagang si Veronica na parang ewan. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit 'di niya bet si Shelly. Siguro nga may mga taong gano'n.

You can't please everyone to like you.

Pagkatapos ng klase namin ay naglalakad na kami palabas sa school. Nag text na rin si Mike na nasa labas na siya naghihintay.

"Mauuna na ako dahil may gagawin lang ako," biglang sabi ni Veronica habang abala sa pagpapaganda.

"Where are you going, ba?" tanong ko.

Tumingin siya saglit sa akin at ngumisi.

"Sa hotel niyo," sabay kindat sa akin at umirap naman ako. Alam ko na kung bakit.

"Uh, Lana, mauna na ako. Wala akong dalang sasakyan. Si Daddy ang gumamit. Na benta na kasi ang sasakyan ko."

Pilit ngumiti si Shelly nang sabihin iyon. I kind of feltsad for her. She was living a lavish life as mine before. Pero bigla na lang nagbago ang lahat. Hindi talaga natin alam kung hanggang kailan lang ang mga bagay bagay sa mundo.

"V? Isabay mo na lang kaya si Shelly dahil doon ka rin naman papunta 'di ba?" I asked her, trying my luck kung papayag siya.

"Sure," she said without even looking at me.

"Huwag na. O-Okay lang naman ako mag taxi, Lana," nahihiyang sabi ni Shelly. Pero kung ako si V, alam kung hindi siya tatangi. Kaso ,kasama ko si Mike.

Napalingon sa kanya si Veronica na nakataas ang isang kilay.

"What are you saying? It's almost rush hour at baka ma-late ka," sabay irap ni Veronica sa kanya. I smiled. Kahit hindi magaan ang loob niya kay Shelly ay mabuti pa rin naman siya bilang tao.

The Mistress Where stories live. Discover now