Kabanata 44

3.1K 83 45
                                    

"I lost my child because of you! Ngayon, si TJ naman?! Sino pa ang gusto mo sa buhay ko ha, Lana?! How about my dad? Do you want him, too, huh? Diyan ka naman magaling 'di ba? Ang mang-agaw nang hindi naman talaga sa'yo."

Her words were like knives stabbed directly to my heart. Kahit na alam kong hindi iyon totoo, nasasaktan pa rin ako- dahil matalik ko siyang kaibigan. Kilala niya ako, kaya dapat hindi niya sinasabi sa akin iyon.

I didn't know what V did but people were slowly leaving the place. Hanggang sa kami na lang tatlo ang natitira sa loob. V remained his distance and just watching us uncomfortably.

Galing kay V ay ibinalik ko kay Shelly ang titig ko. She looks furious....pained.

Umiling ako. "Hindi ko alam...Shelly. If only I knew, h-hindi naman kita pahihirapan." I honestly said.

Kahit pa gaano kasakit ang ginawa niya sa akin, kung alam ko lang ang kalagayan niya...ang pagbubuntis niya, ay hindi ko itutuloy ang pagpapahirap sa kanya.

Sarkasmo siyang tumawa. "Ah, talaga ba? Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo? Hindi ba walang kwenta iyang matres mo?" sabay turo niya sa tiyan ko. "Kaya paano ko masisigurong hindi ka naiingit sa pagbubuntis ko?"

Earlier, I couldn't cry a single tear, maybe because I was confused if I should hate her more for telling me irrelevant words or I'm just too guilty. Ayokong maiyak sa harap niya dahil iniiwasan kong kaawaan niya ako. Pero dahil sa huling mga sinabi niya, tumatak sa akin iyon at nahulog na lang ang butil ng luha ko.

Nasasaktan ako dahil sa lahat ng tao na puwedeng tumapak sa pagkababae ko ay siya pa. Siya pa na isa sa pinaka malapit at importante sa akin. Paano niya nagagawang sabihin lahat ng iyon sa akin? Kung siya man ang nasa kalagayan ko, hindi ko iyon kaya.

"How could you say that to me, Shelly..." I painfully said, while our memories together came rushing to me. Fighting with your bestfriend for a long time is not easy. Especially when you know where it's going.

Friendship over.

"Kahit baldado pa ang buong katawan ko...hindi ako maiingit sa'yo." Naiiyak kong sabi at agad palis sa luha sa pisngi ko. "Hindi ko magagawang pumatay dahil lamang sa inggit." Mariin kong sinabi ang huli at nanatili ang galit niyang ekspresyon sa mukha.

"Hindi nga ba, Lana? Ni minsan ba hindi ka nakaramdam ng inggit sa akin?" Hamon niya sa akin. "Kahit noong unang pagkikita n'yo ng mama ni Mike sa amin? Hindi ka naiingit sa lambing ng mama niya sa akin ha, Lana?"

Napahinga ako nang malalim. Totoo, naiingit ako sa panahong iyon. Umasa pa nga ako dati na darating din ang panahon na makikilala rin ako ng mama ni Mike, at na baka gano'n niya rin ako tratuhin gaya ng pagtrato niya kay Shelly.

I didn't answer.

"Kita mo na? Kunyare ka pa. Kaya hindi ako maniniwalang hindi mo sinadya ang nangyari sa anak ko! Siguro..." napatigil siya saglit at nanlilisik ang titig sa akin. "Siguro...alam mo naman talaga na buntis ako kaya pinahirapan mo pa ako nang husto! Mayaman ka 'di ba? Nalalaman mo lahat tungkol sa amin ni Mike! Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi mo iyon ginusto!"

Napapikit ako nang mariin dahil nahihirapan na akong papaniwalain siya. Nanatili akong kalmado kahit sakit na sakit na ang kalooban ko sa usapan. Bawat salita niya ay parang binubura sa akin ang alaala ng pagkakaibigan namin.

"Shelly..." marahan kong tawag sa pangalan niya. Alam kong ito na ang huli naming pag-uusap dahil hindi ko na kaya at ayoko nang makasakit pa ng ibang tao.

"Kahit minsan ba noon...hindi mo 'ko tinuring na kaibigan?" Mapait kong tanong sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay pero kita ko ang saglit na gulat sa mga mata niya. "Naging mabuti naman akong kaibigan sa'yo dati 'di ba?" Parang akong batang naghahanap ng kakampi dahil sa boses ko.

The Mistress Where stories live. Discover now