Kabanata 2

7.8K 117 23
                                    

"Para asa ka Miss?" tanong ng isang driver nang makababa ako ng van. Kumunot agad ang noo ko dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.

Nang hindi ako sumagot ay ngumisi siya.

"Aguy! Murag taga Manila-e man na doy! Dugo-dugo gyud na imong ilong ron." sabay sabat ng isang driver na mas lalong hindi ko naintindihan.

What are they talking about?

"Ay Miss, saan ang punta mo?" tanong ulit ng driver sa akin. Finally!

"I'd like you to bring me to Sitio Naga." Iyon ang address na nai text sa akin ni Tito Marky. Andito kasi siya sa probinsya ng leyte at sinundan ko siya rito dahil mag-isa lang ako sa bahay dahil nasa ibang bansa sila Mommy at Daddy para magbakasyon.

Nagsitawanan ang ibang driver nang marinig nila ang sinabi ko. Irratation slowly growing to my nerves. What's funny?

Hindi na rin ma etsura pa ang mukha ng driver na kausap ko.

"Impas! Spokening dollar man diay!" sabi ng isa pang driver. What the hell is spokening dollar even mean?

"Uh. Miss! sa Sitio Naga ang tungo mo?" tanong ng driver na nakitawa rin kanina. I nodded immediately, para makaalis na dito sa mainit na terminal ng Baybay City. And the unwanted smell, oh my god.

"Sige Miss sumakay ka na riyan. Ihahatid ka niya roon. Oh, larga na dayun doy! Inglesan nasad ka ana ron!" natatawang sabi ng lalaki at pakamot-kamot na sa ulo habang kinukuha ang 3 kong malalaking maleta.

I immediately slid inside the pedicab. That's what they call it. I really didn't saw any taxi around! Anong klasing syudad ba 'to at wala man lang taxi?

Palinga linga ako sa bawat nadadaanan namin at talagang malaki ang pagkakaiba nito sa Maynila. I saw normal height and sizes of establishments, unlike in Manila, that are enourmous.

Tahimik lang din ang driver. Baka natatakot siyang mag ingles na naman ako. Marunong naman na akong managalog. Pero hindi talaga mawala sa akin ang banyagang linggwahe dahil doon naman ako ipinanganak. Hindi pa nakatulong na sa isang prestigious school ako nag-aaral.

Natanaw ko ang magkabilang kalye na madaming estudyante at habang papalapit na kami ay nabasa ko ang pangalan ng skwelahan- FCIC, a catholic school. Hindi ako pwede sa mga ganyang klasing skwelahan, masyado akong demonyita.

Hindi nagtagal ay biglang lumiko ang aking sinasakyan na pedicab sa isang mas masikip na daanan. Really Tito? You're here?!

Habang tumatagal ay mas lalong lumiliit ang daanan namin, kasyang kasya lang talaga ang pedicab. Not to mention, the road is bumpy! I wonder, paano kaya makakabalik sa labas itong pedicab? Well, the hell I care. Gusto ko ng dumating kung saang kweba ba nakatira dito si Tito Marky.

At bakit naman dito? May nadaanan naman akong hotel kanina, ah. Bakit dito niya piniling tumira sa animo'y pusa lang ang magkakasya?!

I rolled my eyes, again. Sana hindi ko pagsisihan ang pagsunod ko dito sa Tito ko.

Parang nabunutan ako ng tinik nang biglang huminto ang pedicab sa isang puno ng caimito. I saw the simple houses around and a chapel.

Nang maibaba na ng driver ang lahat ng gamit ko ay binigyan ko siya ng bayad. Ewan ko kung kasya na 'yong 1 thousand na binigay ko sa kanya. Wala naman akong nakitang meter sa pedicab niya kaya 'yon na lang ang ibinigay ko.

Tatawag na sana ako kay Tito nang magsalita siya sa likuran ko. Galing siya sa loob ng isang maliit na bahay, but concrete.

"Welcome to Leyte, Lana!" masayang bati ni Tito pero nakasimangot lang akong nakatingin sa kanya.

The Mistress Onde as histórias ganham vida. Descobre agora