Kabanata 27

1.9K 40 5
                                    

Naghahanda para sa bonfire ang mga kasamahan ni Mike and we were invited. We ate dinner at kasama namin si Mike pero nauna na siya sa lugar nila para e check ang lahat.

I wore a sweat pants and crop top sweat shirt na gray. I tied my hair into a bun at kumuha nang ilang hibla ng buhok para maging messy bun. Mahangin kasi sa gabing iyon at sagabal sa mukha ang aking buhok.

"You won't get cold in that?" taas kilay kong tanong kay V. She was wearing a maong shorts and backless top.

She rolled her eyes habang naglalagay ng lipstick. "I was born and raised in north pole, Lana." Sarkasmo niyang sinabi.

Nasa tent ko siya kasi nanghihiram siya ng red lipstick sa akin. Puro nude kasi ang nabitbit niya.

"Let's go na.  Shelly's waiting," saad ko dahil medyo kanina pa kami dito sa loob.

Tiningnan pa niya ng isang beses ang mukha niya sa compact mirror bago pa kami lumabas sa tent namin.

I went to Shelly's tent dahil wala pa siya sa labas.

"Shelly? Are you finish? Let's go na," tawag ko sa kanya.

She didn't answer. Nagpalinga-linga ako. Baka nag banyo? I called her once again pero wala pa rin.

"Where is she?" tanong ni V nang lumapit siya sa akin.

I shrugged. "Wala siya."

"Text her na lang. O, mauna na lang tayo?" Suhestiyon niya.

Kinuha ko ang cellphone ko just to see a text from her. Nalaglag ang panga ko sa nabasa at agad binuksan ang tent niya.

Her things wasn't there anymore. Tanging ang tent na lang ang naroon.
Bakit siya umuwi?

Napatingin din si V sa loob ng tent at nagtataka rin.

"She left? Bakit?"

"May emergency daw. She's not picking up my call," I said worriedly while trying to call her.

What happened? Bakit siya umuwi nang hindi man lang nagpaalam? At hindi ko man lang namalayan. Isa pa, gabi na. It's risky to travel using small boats at this hour.

Hanggang sa makarating kami sa lugar nila Mike ay hindi pa rin ako mapakali. Text ako nang text sa kanya at nakailang tawag na rin. But then again, I didn't get anything.

"Mike!" narinig kong tawag ni V sa kanya kaya napaangat ako ng tingin.

Mike immediately found my eyes and his forehead formed a crease. Kitang-kita siguro sa itsura ko ngayon ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Did you know why Shelly left?" tanong agad ni V kay Mike.

Kumunot ang noo ni Mike. "Bakit daw?" nagtataka  tanong niya. Hindi niya rin alam.

"She texted me. May emergency daw sa kanila," giit ko at nakakunot pa rin ang noo ni Mike. Para siyang nag-iisip.

"Don't worry. I will call her, later." Mataman niyang sabi sa akin at tumango ako.

Niyakap niya ako nang bahagya at hinalikan sa noo bago pa kami naupo sa isang towel na nilagay niya sa buhanginan. V was beside me, busy on her phone.

Nakaupo na ang iba niyang mga kasamahan at nilapag na nila sa gilid ng bonfire ang dalawang malalaking cooler. Siguro mga inumin ang laman no'n.

"Shoot! We forgot to bring the wine!" Tumayo si V. "I'll just get it."

"Uy, ma'am! Saan ka pupunta? Magsisimula na tayo," sabi ng lalaking nanghiram sa akin ng walis noon.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon