Kabanata 37

2.8K 69 34
                                    

It's okay to be afraid of what this next chapter may bring. It's okay to be unsure of which direction are currently taking you. It's okay to be sad about the versions of yourself that you are leaving behind. The shift from your comfort zone will always be uncomfortable....

I thought this chapter of my life is all about him and my bestfriend. Sa akin din pala. I never thought I got a lot of battles to deal with. Akala ko iyon na, meron pa pala.

Nagpa check up na ako agad dahil nababahala na ako sa masyadong late na period ko. Ilang buwan na yata at hindi pa rin ako dinadalaw. Marami akoqng bitbit na problema ngayon pero ayoko rin namang pabayaan ang sarili ko. Paano pa ako lalaban kung gano'n?

I answered all the questions the doctor asked me. I had some few test para makita nila anong nangyayari sa akin.

Parang nanghina akong bigla habang nagsasalaysay ang OB ko. Parang hindi kapani paniwala ang lahat. It feels like my life now is taking the worst journey.

"Your both tubes are blocked, Lana. Kung bukas lang ang isa ay pwede ka naman magka anak. But in your case...you can't get pregnant naturally. Mayroon naman tayong tinatawag na IVF para mag buntis ka."

Paghagulhol ko lang ang naririnig ko sa loob ng aking sasakyan. Sobrang sakit na ng lahat. Parang hindi ko na kaya.

Ano ba ang ginawa ko para parusahan ng ganito? Bakit naman sa akin lahat pa ito nangyari ang lahat. Mag-isa lang ako, o. Pero ang daming ibinabato sa akin.

I can't have a child naturally. At ito na yata ang pinakamasakit sa lahat. No man would love a woman like me. Isang babaeng hindi makakapagbigay ng anak.

I doubt Mike would still want me if he knew I'm this useless. Iiwan na siguro niya ako dahil wala na akong kwenta 'di ba? Total naman, ikakasal na siya mamaya tapos ganito pa ako. Ano pa ba ang silbi ko sa buhay niya?

Witnessing the wedding made me almost crazy earlier. Ang makita silang pinag-iisa sa harapan ng Diyos. Samantalang wasak na wasak akong nanonood.

Kahit anong pilit sa akin ni Tito Marky na pigilan ako sa gagawin ko, hindi niya pa rin ako makukumbinsi. Sirang sira na ako para isipin pa ang lahat. Gusto ko na lang manakit! Gusto ko na lang na maramdaman nila kung gaano kabigat ang pinagdaraanan ko ngayon.

"Paano pag nalaman to nila Reonn? Ang Daddy mo? He'd go nuts, Lana! Nag-iisa kang anak but you will settle to become a mistress?" hestiryang sabi ni Tito.

Hindi niya pa alam ang tungkol sa kalagayan ko. Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa iba. Nahihirapan akong isipin kung ano ang dapat unahin kong ipagluksa.

Ang puso ko ba o ang katawan ko.

I smiled painfully as the tears kept on escaping to my eyes.

"You will not tell them 'di ba, Tito? Ibibigay mo sa akin ang favor na ito 'di ba?" tanong ko sa kanya habang punong puno ng galit ang mukha niya.

Hindi pwedeng malaman ito nila mommy lalo na sa kalagayan niya. Pinasok ko 'to mag isa kaya pipilitin kong makalabas din ng mag isa.

"Oh, please! Kahit na! Paano kapag sa ibang tao nila nalaman? Pati ako, Lana...hindi makakaligtas sa galit ng mga magulang mo..."

Umiling ako. "Aakuin ko ang lahat, Tito. Hindi ka madadamay. Just let me do my thing, Tito. Kapag hindi ko naman na kaya...aalis ako."

He's right. Maaring magalit sa kanya ang mga magulang ko kapag nalaman na may alam siya sa mga nangyayari sa akin. Pero mali ba ang isipin ang alam kong mas makakabuti? Ang paraang alam ko na hindi sila masasaktan kagaya ko?

Huminga ng malalim si Tito at umiling.

"This...pained mo so much, Lana..." aniya at tumalikod sa akin. Nabasag ang kanyang boses na hindi nakatulong sa akin para guminhawa sa nararamdamang sakit.

The Mistress Where stories live. Discover now