Kabanata 32

2.2K 57 16
                                    

I acted like I didn't heard her. Where in fact, pinagbuhol-buhol no'n ang utak ko. At pinagdarasal ko lang na hindi iyon narinig ni V. Kahit sobrang napaka imposible.

"Oh, naghahanap pala si Mike ng unit? Mas maganda nga kung dito na siya pumili," Si V habang nilalagay sa walk-in closet ang mga damit ko.

"Or...you can live together?" dugtong pa niya.

Nahagip agad ng paningin ko ang marahas na pagbaling ni Shelly kay V na nakatalikod sa amin. Nag-iwas naman agad ako ng tingin at kinunot ko ang noo ko.

"Hindi papayag ang parents ni Lana riyan, surely." Mataman niyang sinabi.

Bumaling si V sa kanya, nakataas ang kilay at nakatiim bagang.

"I know, right? And you don't have to kill the joy. I'm just kidding," sabay irap ni V at talikod.

Tahimik lang ako at pina pakiramdaman ang sariling emosyon na hindi ko na maintindihan.

"I'm just telling a fact-"

"And do you think, I didnt know that?  Ano ba ang problema mo? Kapag ganitong usapan, masyado kang pakealemera..." V spat at nasa kay Shelly na lahat ng atensyon niya.

Napatayo si Shelly galing sa pagkakaupo niya sa kama. Her anger is really showing on her face.

"Please! Kung mag-aaway na naman kayo, puwede ba? Iwanan niyo na lang ako dito?" pagalit kong sabi at pumunta sa banyo.

Padabog kong sinarado ang pintuan no'n para iparamdam sa kanila na galit na ako at nagsasawa na ako sa pag-aaway nila sa harapan ko.

I don't want to take sides dahil pareho ko silang kaibigan. Mas lalong gugulo lang kung may kakampihan ako. But who am I kidding? Veronica was right. Kapag si Mike na ang pinag-uusapan, palaging may sagot at pambara si Shelly kay V.

Dahil ba kaibigan niya ito? How deep is their friendship anyway? Na kaya niyang makipag-away para kay Mike.

I washed my face and made myself calm before going out. Si V na lang ang naabutan kong nag-aayos pa rin.
Napalingon siya sa akin at umiling.

"I'm sorry, I just can't help it. She's really getting under my skin!" iritado niyang sabi.

"Umalis siya?" tanong ko.

"Dapat lang!" she scoffed. "Kita mo 'yon? Parang puputok ang ugat sa ulo niya kapag si Mike na ang usapan. And don't tell me it's normal, Lana."

Tumalikod ako at nagpatuloy sa ginagawa. Kahit ano'ng paghahanap ko ng rason para kay Shelly ay wala na akong makita. Mas lalo niya lang pinapatunayan na totoo ang lahat ng sinasabi ni V.

Pumikit ako ng mariin, alam kong sa gagawin ko, maaaring may hindi maganda akong madiskubre. Kailangan kong maging handa. As if I have a choice anyway.

I took the card. The card that my mom handed to me. Isinauli ko kay Mike ang card niyang ginamit ko sa pagbili sa libro. Hindi pa ba nasasabi ng Mama niya na nawawala ang card?

At si Shelly, kung siya man ang talagang may hawak nito, hindi niya ba napansin na nawawala ang ito?

"I want you to do something for me, V."

Sabi ko at inabot sa kanya ang card. Tinanggap niya naman ito, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

To get this over with, I gotta do something. Kailangan ko nang tuldokan ang lahat ng ito. Napapagod na ako sa pag-iisip at panghuhula. Kailangan kong malaman kung tamang tao ba ang inaalagaan ko sa mga kamay ko.

"Check the last transactions of that card. Alamin mo saan ginamit at kailan. Lahat...gusto kong malaman."

"Finally, Lana. You've come to your senses. Kung ano man ang makuha natin dito, try to calm and stay sane. Kailangan mo 'yon nang makapag-isip ka para sa susunod mong gagawin," aniya at lumapit sa akin sabay yakap.

The Mistress Where stories live. Discover now