Kabanata 20

2.6K 45 4
                                    

"So, kailan namin siya makikilala?" Tanong ni Dad habang nagbe-breakfast kami.

Bukas na ang last day ni Mike dito sa Manila kaya kinausap ko sila Mommy. Sinabihan ko na rin si Mike na hindi ako makakapunta sa kanya sa hotel ngayon.

"Tomorrow, Dad. Is that okay?"

Dad stared at me for a moment before wiping his mouth. I glanced at Mom that is already smiling like she's telling me that everything is fine. Though, it doesn't feel like it.

"Ano'ng trabaho niya? How old is he? Saan siya nakatira?"

"Colton!" Mommy snapped and glared at Dad. Napahinga naman nang malalim si Daddy na parang pinapakalma ang sarili.

"I'm just asking," he reasoned.

"Can't you ask her slowly? You're giving her pressure like it's wrong to have a boyfriend."

The table went silent for a moment at nasa pagkain lang ako nakatingin. I felt guilty, parang ako pa ang dahilan kung bakit nag-aaway sila Mommy. Hindi ko na hinintay na magsalita ulit si Daddy at nagsalita na ako agad.

"He's a police, Dad. He's a bit older than me and taga Leyte siya. Kung saan kami galing ni Tito Marky," sabi ko at tumingin ako kay Dad na nakakunot na ngayon ang noo.

"That sounds nice, Lana. Mabait ba siya?" Si Mommy na halatang ayaw pagsalitain si Daddy.

I nodded and smiled. No second thought of that. Mike was kind though, he has this intimidating aura. He's family oriented, too. Wala sa itsura niya ang gano'n. Mas humanga lang tuloy akong lalo sa kanya dahil doon.

"I'll bring him over tomorrow after class."

"Oh! I should prepare sumptuous dinner tomorrow, then."

Hindi na nagsalita si Daddy hanggang sa matapos na kaming kumain. Mabuti na lang at may meeting si Dad and Mom kaya nagpasundo ako kay Mike sa bahay.

"Hi!" bati ko sa kanya pagkalabas ko. He smiled widely at nawala na naman ang mga mata niya.

"Nariyan ba parents mo?" sabay tingin niya sa bahay namin. Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya sila hahanapin?

"No. Why?"

He chuckled.

"Kaya pala nagpapasundo ka ngayon dito." Masama ko siyang tiningnan at hindi nawala ang tawa niya. Pero totoo naman kasi ang sinabi niya.

"Bukas sa bahay ka na mag dinner. You'll meet them," giit ko at tumango naman siya. I stared at him trying to read his expression pero wala na akong makitang kaba or ano man sa kanya. He's ready huh?

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya habang hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya.

"You aren't nervous," sabi ko at hindi iyon tanong.

Nag-iwas siya nang tingin at parang nag-iisip. Mukhang malalim pero hindi ko maabot ang lalim nito. I noticed that something was bothering him kahit noong kakarating niya lang. Pero ayoko siyang tanungin dahil baka ayaw niyang sabihin sa akin. Hahayaan ko na lang na siya mismo ang magsabi sa akin.

"I am. Pero paano ko masasabing akin ka kung hindi ko sila haharapin?"

I gulped my heart. Was that my heart on my throat? Parang umakyat ang dibdib ko sa sinabi niya. He always surprises me with his words. Siguro dapat na akong masanay sa mga ganyan niyang banat. Baka ganyan lang siguro magsalita and medyo manong na?

I laughed on my mind.

"I can almost hear you thinking, Lana." Nagda-drive na siya ngayon papunta sa school. Medyo maaga pa naman kaya nang makarating kami sa school ay hindi agad ako bumaba.

The Mistress Onde histórias criam vida. Descubra agora