Kabanata 29

2K 39 10
                                    

Going back to the reality.  Nagpatuloy ang pag-aaral ko kasama ang dalawang kaibigan. Sometimes Mike visit me here kapag nagka passes siya.  Huling punta ko na 'yon sa Leyte noong nag island hopping kami.

Our relationship went well at hindi naman na nadagdagan pa ang maliit kong pagdududa sa loob ng ilang buwan. Our finals is just around the corner at nagsusunog na kami ng kilay para doon.

My mom is in her 5th month of her pregnany and it's a boy. Palagi ring nasa bahay si V at patuloy pa rin sa pagta-trabaho si Shelly.

Mike was assigned in Tacloban. Hiwa-hiwalay na sila ng mga kasamahan niya at bago na rin ang mga nakakasama niya sa trabaho. Sometimes, we do video calling kahit nasa trabaho siya.

He's that clingy to me those days...or he just misses me that much, huh?

Excited na 'ko para sa weekend dahil pupunta ulit si Mike dito sa Manila. I somehow got contented sa mga mangilan-ngilan naming pagkikita.

Whenever we see each other, he kept telling me how much he misses me and how much he loves me. I can see that. Ang pagpupunta pa lang niya dito ay isang malaking bagay na para sa akin. Wala na rin naman naging problema kina dad about Mike.

Feeling ko nga, tanggap na ni dad si Mike. Obviously, mom likes him.

"Finally! Tapos na rin. I'm so tired na," V spat while we're reviewing for the finals.

Hindi namin kasama si Shelly ngayon dahil nasa trabaho pa siya. At sa bahay na lang nila raw siya mag-aaral.

Nag-angat ako ng tingin kay V na nakatihaya na sa sofa sa loob ng kwarto ko.

I grinned.

"Kapag aral pagod? Kapag date hindi?" panunuya ko sa kanya. Palagi kasi siyang may oras para do'n sa kinababaliwan niya sa school kahit pa halatang pagod na galing school ay walang reklamo.

Umahon siya at nagkukumahog na hinanap ang cellphone. Nang makita ay bumagsak ang balikat niya.

"He's not texting me..." she pouted. "nag re-review din siguro 'yon," pag-aalo niya sa sarili.

"Malamang, finals na nga 'di ba?" I said like it isn't obvious.

"Kahit na! Hindi naman siguro matagal ang isang minuto na pag text. Kahit update man lang, wala!" aniya at iritado na.

Inayos ko ang mga libro na ginamit at notebooks namin.

"Then text him! Sabihin mo na tapos na tayo and tell him to text you right after his review," I suggest while cleaning our mess on the table.

"Hindi, he's just too lazy. Ba't si Mike kahit trabaho ay nakakapag video call pa kayo? Estudyante pa lang 'yan, ha. Paano pa kung may trabaho na siya?"

I sighed. "Patience, V...patience. Intindihin mo na lang 'yong tao. You know, bawal siyang bumagsak dahil scholar siya. Just support him and try to understand him more instead," payo ko pa.

Ang dami ko na talagang natutunan dahil sa long distance relationship namin ni Mike.

Before, ayokong pinaghihintay. Sino ba naman ang may gusto no'n? May patience is not that really good. But with Mike, I suddenly learned to be patient and to understand him more. Dahil mahirap din naman ang trabaho niya.

Hindi naman siya nagkulang sa updates sa akin kaya siguro naging madali na rin sa akin ang lahat. Though, iba pa rin talaga iyong nakikita ko siya at nakakausap ng personal.

But this is real life, may kanya-kanyang buhay ang mga tao at hindi lang sa iisang tao umiikot ang mundo.
I gotta accept that...or else...we'll never work this relationship out.

The Mistress Where stories live. Discover now