Kabanata 4

4.7K 87 2
                                    

Nagising ako ng parehong oras, alas otso. Maingay na talaga ang mga tao sa lugar na ito ng ganitong oras. Hindi na ba sila inaantok? Kahit inaantok pa ako ay agad na akong nagpunta sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng simpleng shorts at blouse.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kusina. Naabutan ko doon si Tito Marky na nagluluto.

"Nasanay ka na? Ang aga mo nagising," natatawa niyang sinabi.

Nangalumbaba ako at napatingin sa ginagawa niya.

"Tito, nasaan ba dito ang bahay ng babae mo? Papuntahin mo kaya siya dito," wala sa sarili kong sinabi. Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba 'yon sinabi.

Hindi umimik si Tito Marky at nagtaka ako roon.

"Anong problema?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin sabay ng buntonghininga niya.

"She doesn't know I'm here," mataman niyang sinabi. Stalker ka nga.

"Ano pa ang silbi ng pagsunod mo sa kanya dito kung hindi niya alam na nandito ka?" nagtataka kong tanong ngunit hindi siya sumagot.

Masyadong complicated ang pag-ibig! Kaya ayokong masubukan at ayokong magka problema sa puso. Sobrang OA pa naman ng mga classmates kong umiyak pag hinihiwalayan ng mga boyfriend nila.

Like... bakit sila iiyak? There's tons of men out there. Pwedr pa ngang pagsabayin kong gusto mo. Pero sa sobrang daming lalaki na nakasalamuha ko, ni minsan, hindi man lang humanga sa kahit sino.

Masyado yatang mataas ang standards ko sa lalaki. May nanliligaw naman, at oo, gwapo rin naman sila. Pero wala e, wala akong maramdaman. Naalala ko pa noon ang sinabi ni Teacher Veronice na malalaman mong interesado ka sa lalaking iyon kapag nakaramdam ka ng kakaiba. At 'yon ang hinahanap ko na hanggang ngayon hindi ko pa nakikita.

Matapos kaming nag-agahan ni Tito Marky ay nagpaalam siyang umalis dahil may bibilhin daw. Ayoko rin namang sumama. Ewan ko ba, tinatamad akong umalis. Kaya, nanuod na lang ako ulit ng Z Nation.

Napansin ko ang ingay sa labas habang nanunuod kaya napasilip ako sa bintana. Gawa sa glass ito at may kurtina, kaya pwede akong makapagtago sa kurtina habang sumisilip nang hindi gumagalaw sa kinauupuan ko.

Nakita ko roon ang ... mga police?
Nasa kapilya sila at parang naglilinis. May nagwawalis may nagma-mop at kung ano-ano pa.

Napansin ko rin ang isa sa mga police na papunta sa bahay namin. Bago pa man niya ako makita ay binalik ko na sa dating ayos ang kurtina.

Then I heard...

"Tao po... pwede manghiram ng walis?" sabi ng police sa labas ng bahay.

Wtf? Seryoso ba siya? Maglilinis sila tapos kulang sila sa dalang walis at ito ...nang-aabala pa?

"Tao po.." ulit na naman ng police. I could just ignore him, but the fact that our door was wide open, I can't just sit here and pretend that I didn't heard anything!

Naiinis akong tumayo at hinanap ang walis. Buti na lang ay nakita ko naman ito agad. Lumabas agad ako ng terrace at nakitang nakangisi na ang police.

Of course, I faked a smile. Sabay abot ko sa walis.

"Isasauli ko 'to mamaya ma'am," aniya at nakangisi. Kahit wag mo nang ibalik 'yan. Sabi ko sa isip ko. Umalis naman siya agad nang matanggap niya ito. Bumalik din ako sa loob ng bahay.

The Mistress Where stories live. Discover now