Kabanata 48

3.4K 77 5
                                    

Ilang minuto na nang lumabas si Mike sa kwarto. Pero ito ako, nakatunganga at hindi pa rin makapaniwala. Nakatitig ako sa malaking bato na nasa singsing ko. I suddenly remembered the day he asked me to marry him. Kung pumayag ba ako no'n, iba kaya ang naging takbo ng storya namin? Naging masaya kaya kami? Ipaglalaban niya kaya ako? O...mas magiging miserable para sa akin ang lahat.

Nakapaligo na ako at naka damit pang trabaho na rin. Kahit sobrang late ko na, papasok pa rin ako. Isa pa, hindi ko 'to bahay. Kailangan ko nang umalis. I went downstairs and just realized I missed the view of his place last night. Lasing na lasing ako at hindi ko na maalala. Pero ang nangyari sa amin kagabi, bawat galaw naaalala ko pa!

Crazy Lana.

I could smell the fried rice and corned beef or something. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko na malakas na nagwala. Hindi ko na maalala kung nakakain ba 'ko kagabi. Pero sobrang gutom na gutom na ako. At ang nangyari kagabi... nakakagutom ba 'yon?

"Mornin..." bati niya sa akin at halos mahigit ko ang aking hininga nang lapitan niya ako at yakaping bigla, sabay halik niya sa noo ko.

"You'll work? Can we spend the day as our first daysary as...engaged couple?" he said at napaubo ako sa sariling laway.

Daysary?! Sa edad niyang 'yan? May gana pa siya sa mga millennial things?

"Napaka manong mo na para riyan sa daysary mo. Hindi na bagay..." sabi ko at inirapan siya saka pa naglakad at narinig ko ang malakas niyang pagtawa.

Something in me lightened as I heard him laughed. Something...nice or something...soothing.

"Of course. I practiced this very much cuz my girl is still young. Baka iwan na naman niya ako ulit dahil masyado na akong manong..." tawa niya ulit.

Parang kahapon lang, galit na galit ako sa kanya. Ngayon, parang walang nangyari. Masaya siya at nakikita kong totoong masaya siya. Couldn't lie, I'm... happy too. Pero hindi ko alam kung tama ba 'tong nangyayari sa amin. Para kasing sobrang bilis ng lahat.

Naisip ko rin, mabilis pa ba 'to kung ilang taon na ang nasayang sa amin? All those years were filled of hatred, revenge and countless sleepless nights. Thinking about how...unworthy I was.

He prepared my plate and my food. He poured orange juice to my glass before he prepared his own food as well. Magkaharap kami at naninibago akong makasama siyang kumain.

"You don't like the food? You want anything specific? Puwede kitang ipagluto.." aniya nang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

Umiling ako, kasabay ng dibdib kong nagwawala sa loob.

"How did you become a chef?"

All this time I was wondering how he managed to become a chef, when he's lacking financial support? He lost his job, intentionally because of me. Pero paano niya nagawa?

Tumitig siya sa akin at pinagalaw ang panga niya bago nagsalita. For a moment, I realized how I missed that face so much. Those cute eyes, his narrow nose and...his thin lips. His built became more masculine, too.

"Umutang nang umutang hanggang sa makapagtapos, Lana.  I lost my license and I can't fight for it. Because I know it's all my fault. I deserve your fathers wrath."

"K-Kakausapin ko si daddy.."

"You don't have to. And I got my own business now. That's no big deal for me anymore."

"Pero pangarap mo 'yon!" I spat naiinis sa inaasal niya na parang itatapon niya lang lahat.

Alam kong hindi madali ang maging isang pulis. Some couldn't passed the trainings. Others even died during the process. Kaya paano niya na lang naisasantabi ang lisensiya niya?

The Mistress Where stories live. Discover now