Kabanata 24

1.9K 41 4
                                    

Nagising ako sa sakit ng ulo ko at ang aga pa. Mabuti na lang hindi maaga ang klase ko. Napaigtad ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko at makitang si Mike iyon. I answered while my eyes were close.

"Hmm," bati ko, halatang tinatamad. I heard him heaved a deep sigh.

"Hindi ka nag text kung nakauwi ka na. Anong oras ka umuwi?"

Shoot! Napadilat ako at napasapo sa noo. Nakalimutan ko palang e-text siya bago ako natulog!

"1 AM? I don't know. Maayos naman akong nakauwi."

"Were you drunk?" tonog nang-aakusa iyon.

"No. Pero masakit ang ulo ko," maktol ko na parang hindi ko kasalanan kung bakit masakit ito.

"I know. Inumin mo ang gamot. Padating na 'yon," sabay tunog ng doorbell sa baba.

I nodded like he would see me doing it. Wait, padating? Before I could properly process everything, someone knocked on my door. I immediately got up at iniwan na muna sa kama ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin si manang at may dalang plastic.

"Ma'am, para sa inyo raw po sabi ng delivery boy," aniya.

"Kanino galing?" sabay tanggap ko sa plastic.

"Wala pong sinabi ma'am. Sige po," saad niya bago pa ako iniwan.

Binuksan ko iyon habang naglakakad pabalik sa kama at napapapikit sa kumikirot na ulo ko. In an instant, a smile plastered on my face.

"Hey! Sa 'yo galing 'to?" I asked him like it wasn't obvious.

"Hmm. Inumin mo na 'yan at padating na rin yata 'yong soup mo. Tatawag ako ulit mamaya. Maliligo lang ako, okay?"

"Okay. Thank you, love!"

He chuckled bago pa nagpaalam at naputol ang linya. Kilig na kilig ako habang kinukuha sa loob ng plastic ang mga laman no'n. There's meds for headache, salonpas, even juice and water na parang wala kami no'n dito sa bahay!

Ugh! How thoughtful. Kainis, lumulubog na ako nang lubusan sa kanya.

Totoo nga, maya-maya ay tinawag na naman ako ng katulong na may nagpa deliver ulit. This time, pagkain na. I went down to personaly receive the item and I was smiling from ear to ear while eating my breakfast. Naabutan pa ako nila Mommy!

Dad looked at the food on the table. Parang nagtataka siya sa mga nakikita. He sat and never take his eyes off of the food.

"You ordered food? Your mom is cooking," giit niya.

I smiled sweetly. "No, Dad. Pina-deliver ni Mike. Ang sweet niya 'no?" sabi ko na parang barkada ko ang kausap ko. Umirap si Daddy at umiling.

"I never ordered for your mom. I personally cooked breakfast for her when I was courting her," sabi niya na parang nagmamayabang pa.

"So, you wanted Mike to cook personally for me? Should we live together na?"

Muntik nang mabuga ni Daddy ang iniinom niyang kape at nag-alala akong nakatingin sa kanya. Nakakagulat ba ang sinabi ko? Pero parang gano'n naman kasi ang gusto niyang iparating sa akin, ah.

"No! No way!" he exclaimed while coughing.

"Akala ko iyon ang gusto niyo, e," panunuya ko pa at sinamaan na niya ako ng tingin.

"Saka na kapag chief of police na siya," pilyong ngiting sinabi ni Daddy.

"Dad! Matagal pa 'yon! And I don't know kung gusto niya bang maging chief of police. Seryoso ka ba, Dad?"

The Mistress Where stories live. Discover now