Kabanata 17

2K 51 2
                                    

It feels like the words escaped me. My mouth were slightly open in shocked. Magkakilala sila? Bakit? Kailan pa?

"You know him?" Veronica asked Shelly.

Mike looked like he didn't expect to see Shelly, too.

"Yeah. Kababata ko siya." Shelly smiled sweetly and my forehead formed a crease.

"Excuse me lang po, Tita," paalam niya at lumapit na siya kay Mike.

Sinipa ni Veronica ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya napatingin ako sa kanya. Pinandilatan niya ako at hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Not that I could do something about it. Mom is here. Hindi pwedeng lumapit ako kay Mike. Ano naman ngayon kung magkakilala sila 'di ba?

"In fairness, gwapo ang kababata ni Shelly, ha," comment naman ni Mommy na lalong hindi nakatulong sa nararamdaman ko ngayon.

I didn't looked at them and just darted my gaze to the food in front of me. Pinagtagpi-tagpi ko sa lahat sa utak ko.

Does that mean, she was the childhood friend Mike was talking about? Iyong nagbantay sa Mama niya? Wait I suddenly remembered something.

Bek. That was the name Mike gave me. Bok naman ang itinawag sa kanya ni Shelly. I gritted my teeth in annoyance.

Bumalik naman si Shelly sa table namin pagkatapos niya sa CR. Kaso nga lang, nagpaalam siya na magpapa-iwan dahil mag-uusap pa raw sila ni Mike.

Wow.

What can I do? Nothing. Hindi naman pwedeng basta ko na lang pigilan si Shelly sa gagawin niya lalo na at kasama ko si Mommy. Isa pa, kakasagot ko lang kay Mike. Baka naman siya na mismo ang magsabi kay Shelly 'di ba?

My mind didn't left what had happened in the hotel kahit pa nakauwi na kami. Umuwi na rin agad si Veronica at babalik na lang daw siya mamaya. Napaupo ako sa kama.

Hindi ko maitagong naba-bother ako sa nangyari. It really wasn't Shelly's fault na nakita niya si Mike doon dahil wala naman siyang alam. Hindi ko rin naman alam na may kababata siya na taga probinsya. Not that I'm interested, though.

Napahiga ako sa kama nang hindi pa nagbibihis. I should be rejoicing now in happiness, pero hindi ko magawa. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang nag text si Mike.

Mike:

Are you home?

Nagtipa ako ng reply.

Me:

Yes. Kararating lang namin.

Segundo pa lang bago ko mai-sent ang text nang biglang tumawag siya. Nakatitig na muna ako sa screen ng ilang segundo bago iyo sinagot. Tumikhim ako.

"Hi. Nasaan ka na?" I don't know, pero iyon ang unang pumasok sa isipan ko.

"Nasa kwarto na 'ko, Lana," sagot niya at tumango naman ako.

I heard him sigh deeply bago nagsalita.

"I didn't know you were friends with Shelly."

Panimula niya at tama nga ako, nagulat din siya sa pagkikita nila. Small world.

"Yeah. I didn't know she was the childhood friend you were talking about, too," may pait sa pagkasabi ko pero hindi ko ipinahalata sa boses ko. I'm not trigger or something over Shelly. I know her and I trust her.

Hindi naman na siya sumagot at napunta sa ibang topic ang usapan namin. Nag sorry din ako dahil hindi ako lumapit kanina at ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit. Naintindihan naman niya ako and he's willing to meet my parents if ever gusto raw nilang makita siya.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon