Kabanata 8

2.9K 55 0
                                    

I smiled as I watched my own reflection at the mirror. Wearing a simple blouse and a very short shorts... will do. I didn't even bother to put any makeups on. I am Lana...and I am gorgeous.

Akala ko mapapahiya ako sa sarili dahil wala naman siyang sinabing ngayon siya dadalaw. Buti na lang nag text siya kung pwede bang ngayong gabi.

Nang makuntento ako sa sariling itsura ay ti-n-ext ko siya agad. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Tito Marky na nakaupo sa sofa habang nakahalukipkip.

He looked at me...no...at my clothes.

"Problem?" nagtataka kong tanong sa kanya dahil walang kagana-gana niya akong tiningnan.

"Are sure about this? About that man?" akala ko tungkol sa suot ko ang sasabihin niya. Hindi ko akalaing tungkol na naman ito kay Mike.

I heaved a sigh. Naglakad ako papalapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

"Tito, masyado kang advance kung mag-isip. Dadalaw lang siya, okay?  Hindi mamamanhikan..." I said annoyingly.

"I didn't said that."

"But you sound like it, Tito. C'mon... don't worry, please?" pakiusap ko sa kanya. Hindi ko makuha kung bakit ganito na lang mag react si Tito Marky sa pagbisita ni Mike.

This is just a friendly visit...I guess. What could possibly go wrong?

Nasa terrace ako at inayos ang dalawang upuan. Magkatabi iyon. Alas-8 ang sinabi niya dahil may gagawin pa sila bago pa man siya makaalis sa boarding house nila.

Minutes later, I saw a man's silhouette. A tall man wearing tight shirt and a simple above the knee shorts. Nang marating niya ang parteng poste na may ilaw ay nag-abot ang paningin naming dalawa at agad siyang ngumiti.

He looks immaculate and drop dead gorgeous.

I felt my heart thumped exhilaratingly  while watching him. Lumapit ako agad sa gate ng bahay na hanggang baba ko ang taas at hanggang dibdib niya lang ito. He's that tall.

Pumasok siya at isinara ko naman ang gate. Bago ko pa man siya hinarap ulit ay ni relax ko muna ang aking sarili.

Nang humarap ako sa kanya ay namangha talaga ako sa sobrang tangkad niya. He's towering me and I felt so tiny in front of him.

"Hi," I said, at ngumiti siya.

"Hi," sagot niya naman sa isang napakalalim na boses.

Oh dear, how could his voice sounds so sexy...and manly.

"L-Let's get inside?" aya ko sa kanya at tumango siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha.

Pinili kong sa terrace na lang kami mag-usap dahil gising pa si Tito Marky. And I'm sure, na guguluhin niya lang kami. Ayoko rin namang mailang si Mike sa una naming pag-uusap sa personal.

As I said, I felt tiny in front of him. Akala ko ako lang, pati rin pala ang upuan. Para siyang nakaupo sa isang pang pre-school na upuan. Though, he looked... cute sitting in it.

And this is the worst phase  in meeting a stranger for the first time. The first conversation...in person.

"So...kamusta?" pinaka walang kwenta ko na yatang tanong ito sa tanang buhay ko.

"Mabuti, medyo pagod. You?" sagot niya agad at nakatingin siya sa akin.

Ngayon ko lang na realize kung gaano ka tama ang ginawa kong pag puwesto sa magkatabing upuan namin. Dahil mayroon akong dahilan para hindi siya tingnan. Puwede akong tumingin sa kapilya o sa kahit saan kapag hindi ko siya kayang tingnan pabalik.

The Mistress Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora