Kabanata 35

2.7K 65 18
                                    

Sa buhay, sinasabing kung ikaw pwedeng mag adjust, gawin mo na lang. Kung kaya mong intindihin, intidihin na lang. Iwas gulo, iwas away. Sa bandang huli naman, kung sino ang marunong umintindi, sila 'yong matagumpay at masaya sa buhay.

And that's just not true. How could I adjust? How could I undertand his reasons? And it surely won't make me happy in the end.

Hindi ko maramdaman ang tinatapakan ko dahil naka tuon lang ako sa sakit na nararamdaman. Napapansin ko ang mga taong nadadaanan ko na nagbubulung-lungan pero wala na akong panahong balingan pa sila.

Iniisip ko kung totoo ba ang lahat ng 'to. Nagawa ko pang kurutin ang sarili, nagbabakasaling panaginip lang ang lahat ng ito.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang traydorin ka ng sarili mong kaibigan, o ang pagsisinungaling ng taong minamahal mo. O ang silang dalawa ay pinagkaisahan ka.

Natatanaw ko na ang sasakyan at nakatayo roon ang driver. Nang makita ako ay mukha siyang nataranta bago pa binuksan ang pintuan para sa akin.

Bago pa ako lubusang makapasok sa sasakyan ay may humigit na sa palapulsuhan ko. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Even his touch, I memorized it all too well.

A heated slap landed to his face as I turned to him. Umalis sa gilid ko ang driver nang makita ang nangyari. All I could care is how terrible this person in front of me.

Medyo masakit sa palad ang ginawa ko pero hindi man lang iyon nangalahati sa nararamdaman ko.

I saw how apologetic his face is, pero kahit katiting, wala na akong maramdamang awa kundi puro na lang pagkamuhi at galit na hindi ko alam kung paano pa maghihilom.

The tears formed at the side of his eyes but it didn't affect me. I gave him the look in my eyes like daggers. If looks could only kill, he's probably dead in front of me.

Pinalis ko ang luha sa mga mata ko at pinanatili ang bibig na nanginginig sa galit.

"Lana..." he said, almost pleading, wanting to touch me.

"You're the worst person I've ever met... my whole life..." madiin kong sinabi habang nag-uunahan sa paghulog ang mga luha ko.

Umiling siya.

"Let me explain-"

I laughed without humor. Para akong nasisiraan ng bait na tumatawa habang umiiyak.

"Sige! Sabihin mo sa akin anong klasing ekplenasyon ang maibibigay mo sa akin...dahil hindi...hinding hindi ko 'to maiintindihan!" I spat angrily, walang pakealam kung may makarinig.

"I..." he trailed, the difficulties in finding words was very evident to his face.

"Hindi ko 'to gusto, Lana..." aniya at nahulog sa kabilang mata niya ang luha.

"Hindi gusto? Hindi mo 'to gusto pero nagpasukat ka ng damit 'di ba? Galing ka doon 'di ba? Tangina, ano 'to gulatan na lang?!"

Lumapit siya sa akin at may mukha ng pagsusumamo pero kahit kaunti, hindi hinayaang mahawakan niya ako. Nandidiri ako, namumuhi ako, galit na galit ako.

Yumuko siya, nakahawak sa ulo niya, umiiling. Kung sa ibang pagkakataon, masasaktan ako sa nakikita ko. But now, only anger dominated my heart. I couldn't see where is my love for him.

"Hindi ko 'to gusto...Ikaw ang mahal ko, Lana..." bulong niya.

I gave him a disbelief look. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Saang parte ako may nakaligtaan? Akala ko ba ang girlfriend ang siyang pinapakasalan at hindi kaibigan?

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon