Kabanata 12

2.3K 47 1
                                    

Mike indeed visited me that night. Hindi na rin naman nangialam si Tito Marky at nagkulong na lang sa kwarto niya. Hindi siya lumabas hanggang sa hindi umuwi si Mike. I had it all planned to tell him that night na babalik na ako ng Manila dahil mag-eenroll na ako at baka hindi na muna makabalik dahil pasukan na. Pero biglang may tumawag sa kanya at emergency daw kaya tuloy umuwi siya sa kanila no'ng gabi ring iyon. Hindi ko na rin siya natanong dahil nagmamadali siya.

I ate my breakfast lazily. Nasa kapilya na ang mga police pero hindi ako masaya dahil wala naman si Mike. T-ni-ext ko naman siya pero wala pa rin akong reply na natatanggap. I was worried. Baka anong emergency na ang nangyari sa kanila.

"Did you two broke up?" si Tito Marky nang makita ang itsura ko habang kumakain. Inirapan ko siya.

"Hindi ko pa nga sinasagot, break up agad?" mahina pero mariin kong sagot.

Ngumisi siya. "Because you look like it," aniya.

I sighed deeply. Not minding my Tito's nonsense remarks. Nasa kay Mike lang ang utak ko nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Tito Marky looked annoyed to my sudden move.

A smile plastered in my face immediately when I saw Mike's name on the screen. Binuksan ko ang text niya at binasa.

Mike:

Pasensya na kung nagmamadali ako kagabi, ha. Si Mama kasi inatake. Pero okay na siya ngayon. Babalik na ako riyan bukas. I miss you.

Kumalabog ang dibdib ko hindi dahil sa huling sinabi niya kundi sa kalagayan ng Mama niya. Maybe, they need some help?

Me:

It's okay. Hoping a fast recovery to your mom. Do you need some help?

He replied immediately.

Mike:

No, Lana. Okay na lahat. Mag-ingat ka riyan.

My lips pursed right after reading his reply. Hindi na rin ako nag-reply dahil biglang tumawag si Shelly.

"Shelly!" masayang bati ko sa kaibigan.

"Where are you? Enrollment na!" she shouted from the line. Nilayo ko nang bahagya ang cellphone sa teynga ko dahil sa malakas niyang boses.

"Uuwi na ako this week. Miss me?" panunuya ko sa kaibigan. I can imagine her, rolling her eyes at the moment.

"Ang tagal, ha. Mas nauna pa akong mauwi sayo. Pumunta kaya ako sa inyo dahil akala ko umuwi ka na. Bakit ka pa ba nariyan?" tanong niya at naisip ko kaagad si Mike.

But of course, I will not tell her that Mike is the reason. Ewan ko ba. Para akong nakukulungan sa time namin dito. How ironic, dati ayoko sa lugar na 'to. Pero ngayon, kulang na lang ay mag transfer ako rito. WaitI can do that, right? Pero naisip ko rin ang mahabang paliwanagan kay Mom at Dad bunos pa si Tito Marky. Kaya inalis ko na lang sa utak ko ang plano.

"Because...I'm enjoying here?" Liar.

"No way. I know you, Lana. That's not your type of place! You're a city girl. Maybe...it's because of that guy?" she chuckled.

"Hindi 'no!" another lie again. "Yes I admit. I find this place disgusting at first. May mabahong parte ng kalsada at ang ingay. And guess what? And ang daming chismosa! Thankfully, may nagpa-aliw sa akin," I said as I brushed my hair.

Totoo naman lahat ng sinabi ko. Pero sa una lang 'yon. Nasanay na rin naman ako sa ingay na palaging gumigising sa akin at sa mga nagchi-chismisan. Like, in school, may mga chismosa rin naman.

"Hmm..ikaw, ha! Pinapa-curious mo talaga ako riyan sa mysterious guy mo. Excited na tuloy akong makilala siya," aniya.

I smiled. Magugustuhan niya si Mike pag nakilala na niya ito. I mean, lahat naman yata sa kanya ay kagusto-gusto. My face heated at the thought.

The Mistress Where stories live. Discover now