Kabanata 14

2.1K 47 1
                                    

I was singing while taking a bath because of too much excitement. Hindi dahil may pasok na kami ngayon, kundinagka passes na si Mike at bibisitahin niya ako! Magda-dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakita at hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa tuwa. Hanggang sa pagkain ng breakfast ay dala ko iyon.

"You were never that happy on first day of school, Lana," si Dad na mukhang napansin ang ngiti ko habang kumakain. Nanliliit din ang kanyang mga mata na para bang may tinatago ako.

Exactly, Dad! May tinatago nga ang unica hija mo.

"Hayaan mo na. Baka excited makita ang crush niya," si Mommy naman na nagpasama sa mukha ko.

"I don't have a crush at school."

"Good," si Dad na mukhang natutuwa pa. Inirapan naman siya ni Mommy.

"Nakakatuwa 'yong walang crush ang anak mo sa skwelahan, ha, Colton?" iritadong tanong ni Mommy habang lokong ngumiti lang si Daddy.

"Matutuwa lang ako kung katulad ko siya," giit ni Dad.

"Like how?" takang tanong ko. Baka naman gusto ni Daddy ang kasing yaman namin! E, 'di bagsak na agad si Mike.

"Ask your mom," tanging nasabi ni Daddy at malumanay na ngumit si Mommy. Pinatong naman ni mommy ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni dad. I witnessed all my life how devoted my dad is to my mom. How great is his love for her. Na kaya niyang harapin lahat pati ang peligro para kay Mommy. I witnessed all that.

Convoy kami ni Veronica papuntang school at napapalingon sa amin ang mga freshmen dahil gamit namin ang ngayon ang kambal na kotse namin. The limited edition jeep wrangler in matte black. 5 pieces lang ang sasakyang ito at kaming dalawa lang ni Veronica ang meron nito dito sa pilipinas. Binili iyon ni Dad nang makuha ko ang highest score sa final exam last year, while Veronica bought it herself.

Since private school ang paaralan namin ay required talaga kaming magsuot ng uniform. This is my favorite school dahil pasok ang uniform nila sa taste ko. Iyon lang naman. Above the knee stripe skirt at white long sleeve with necktie and black coat. I paired it with my black high heels kahit pwede namang flat black shoes lang. But for me, being extra is extra.

Swaying my red hair, napapanganga ang mga estuyanteng nasasalubong namin at tumatabi sila para pagbigyang daan kami ni Veronica kahit malaki naman ang daanan. Kung natural akong matangkad dahil namana ko kay Dad, mas matangkad pa sa akin si Veronica kaya nakaka-intimidate siyang tingnan. Sabi naman nila ang buhok ko raw ang nagdadala sa akin para ma intimidate sila.

I was in US no'ng pinakulayan 'to ni Mommy dahil sa nagtatago kami noon. Pero hindi ko na ito binalik sa dating kulay dahil bagay daw sa akin.

"This is what I love about school. Iyong pagtitinginan ka, titingalain ka na animo'y isa kang diyosa na naglalakad sa paaralan," Veronica said dreamily. Napailing na lang ako. Hinahanap ng mga mata ko si Shelly at hindi naman ako nabigong makita siya sa mga kaklase naming nagkukumpulan at pinapalibutan siya.

Napalingon ang iba sa amin at lumapit at nakipag kamustahan. I saw Shelly used the bag I gifted her, the Kelly.

"Omg, Lana, is this the limited edition hermes bag? Wow! Isang piraso lang 'yan at ikaw pala ang nagmamay-ari," manghang sabi ni Jelly sabay suri sa bag ko. Halos lumuwa naman ang mata nila nang makita ang bag na gamit ni Veronica. It's the himalayan hermes bag with diamonds.

"Shelly!" bati ko sa kanya at ngumiti siya ng malaki.

"Hi Lana," aniya.

"I talked to dad about your concern at magkikita na sila ng daddy mo today," masayang saad ko at napangiti siya sabay yakap sa akin.

The Mistress Where stories live. Discover now