Kabanata 45

3.3K 93 9
                                    

My jaw dropped as my system tried to accept what Tito Marky told me. Guilt immediately crept me. I shook my head and laughed without a humor. Tito must be kidding me, right?  My parents would never do that.

"T-Tito..." I gulped. "Oo na, ako na ang magbabayad nito. Just stop playing around." I said hoping for him to say that he's just kidding me. I inhaled when his face remained serious.

"Hindi nila 'iyon magagawa..." sabi ko nang ma realized na hindi nga siya nagbibiro.

"Ginawa na nga. Look Lana, it's not your fault. Alam kong sisisihin mo ang sarili mo kaya uunahan na kita."

Nanayo ang balahibo ko kasabay nang hindi maunawaang pagsisisi. Kahit saan tingnan, kasalan ko pa rin ang lahat. Kung siguro itinago ko na lang ang lahat sa mga magulang ko, hindi sana gano'n ang mangyayari.

Imbis na kumain ay hindi ako nakakain nang maayos. Binabagabag na ako ng aking konsensya. Ang isiping inilibing ang mama niya nang wala man lang...kabaong ay mas lalong nagpapalalim sa pagsisi ko sa sarili.

Noong araw ding iyon ay hindi ko tinapos ang trabaho ko at agaran nang umuwi upang kausapin ang mga magulang ko. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang lahat galing mismo sa kanila.

Naabutan ko pa ang mga magulang ko na masayang nag-uusap at nanonuod ng TV kasama ang kapatid ko. Nakuha ko naman agad ang atensiyon nila at gulat sila pareho nang makita ako. Nakita ko pang tumingin sa pambisig na relos si daddy. His brows were furrowed when he return his gazes to me.

"Any problem? Ngayon ka lang umuwi nang maaga," si daddy.

"Oo nga anak. Hindi sa ayaw ka naming umuwi nang maaga pero... may nangyari ba?" nagtatakang tanong naman ni mommy.

"Gusto ko sana kayong makausap ni daddy..." I said directly and my gaze went to my brother. Hoping he'll get the hint.

"I'm going upstairs..." sabay tayo ng kapatid ko.

"What is it, anak?" tanong agad ni mommy sa akin at mas lalong dinadaga ang dibdib ko na magtanong. Natatakot akong mapatunayan ang sinabi ni Tito Marky.

"About Mike's mom..." I said and I saw my mom a bit stunned but immediately regaining her composure. Unlike dad, who remained silent.

"What about her, Lana?" si mommy ulit.

"What did you do to her mom?" walang paligoy ligoy kong tanong.

Hindi ko man lang nakitaan nang gulat sa mukha ang mga magulang ko na para bang alam na nila kung ano ang tinutukoy ko.

"Nothing..." dad replied.

"Alam ko na dad, please. Sabihin n'yo na sa akin ang totoo..." I pleaded.

Hindi na ako magawang tingnan ni mommy at kay daddy na lang nakatuon ang mga titig niya. Tila si daddy lang ang hinihintay niyang magsalita.

"It was just a little prize they get-."

"Little prize, dad?" I cut him off. "Her mom didn't even had a coffin!" I spat habang hinahanapan ng pagsisisi sa mukha ni daddy.
Panay naman ang himas ni mommy sa bisig niya.

"What do you expect us to do, Lana? Sit back and  watch you drowning by too much pain? They violated your feelings and dignity as a woman!" dad's voice thundered and it made me a bit scared.

"Lana..." si mommy na malamlam akong tiningnan.

Umiling ako. "Kung sa inyo iyon nangyari, ano sa tingin n'yo ang mararamdam ko dad?"

Hindi sila umimik at nag-iwas nang tingin sa akin si daddy. For this moment, nagtataka ako kung papaano pa ako nagagawang harapin ni Mike at ang pamilya ko kung gano'n ang kinahinatnan ng mama niya. Kahit pa man siguro gaano pa kasama ang mga magulang natin, kahit disente man lang na libingan...o kabaong ay maibigay natin sa kanila.

The Mistress Where stories live. Discover now