Kabanata 6

3.6K 77 7
                                    

Alas-5 pa lang ng umaga ay tumunog na ang cellphone ko. I lazily checked it and saw a message. Galing sa kasamahan ni Mike. Hindi ko 'yon binasa at natulog ulit. Malapit na sana akong makatulog nang tumunog ulit ang cellphone ko.

This time, gising na gising na ang diwa ko.

Mike:

Good Morning :)

Shit! Simpleng bati lang ng magandang umaga at gising na gising na ako! Ni hindi ko pa nga nakikita maski anino niya. Pero ito, parang akong tanga'ng nangingiti habang nagre-reply.

Ako:

Good morning :D kakagising ko lang.

Ang sabihin mo, pinilit mong gisingin ang sarili mo, Lana.

Mike:

Kumain ka na?

Muntik na talaga akong mapatili sa reply niya. Sobrang simple ng tanong niya pero ganito na ako mag react! Paano kung makita ko na ang itsura niya. Ganito pa rin ba kaya ako?

Hindi naman sa masyado akong mapili sa etsura. If you're not my type, then, you really are not my type. Period.

Ako:

Oo maya-maya. Ikaw?

Napailing ako ng ma realized na parang tinatanong ko siya pabalik kung kumain na ba siya. In a low key way nga lang. Parang ang cheesy!  At mukhang interesado ako sa kanya dahil do'n. Kahit hindi naman.

Mike:

Kakain na. Kain ka na din :)

Wala na talagang paglagyan ang kilig ko! Kailan ba kasi balak magpakita sa akin ng lalaking 'to.

Nangingiti akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Tito na nakaharap sa phone niya. Kumunot ang noo niya ng makita ako sabay tingin niya sa pambisig na relo.

"Kakaiba na talaga ang nangyayari," komento niya at alam ko na ang ibig sabihin no'n.

"I had a good sleep, Tito," saad ko at nakatitig lang siya sa akin.

"Good sleep ba talaga?" tonog pagdududa iyon. Pero hindi ko na siya pinansin, sa halip ay nagpunta sa terrace.

Tinatanaw ko ang daan papunta sa tindahan ni Ate Daisy at nakita ko ang mga police na papunta sa tindahan. Ang iba, ay galing naman doon. Naka damit pang-bahay lang sila.

Hindi na rin pala masama ang pagpunta ko dito sa Leyte. Mukhang naaaliw ako sa nangyayari. Habang abala ako sa pag-iisip nang maalala kong hindi pala ako nakatawag kay Shelly kagabi. Kaya, tinawagan ko siya.

"Lana," aniya sa kabilang linya.

"Sorry nakatulog ako kagabi ng maaga. Hindi na ako nakatawag," pagsisinungaling ko. Ang totoo, ka text ko si Mike hanggang hating-gabi!

"It's fine, Lana. Ako din, na busy kaya hindi rin ako nakatawag. Ano nga pala ang chika mo?" aniya at napangiti ako roon.

Sinimulan ko kaagad e kwento sa kanya ang tungkol sa lalaking nakilala ko dito. Pero hindi ko na muna sinabi kung anong pangalan niya at anong trabaho niya. Kilala ko si Shelly, wala rin siyang tiwala sa mga police.

"Talaga? Bakit hindi pa siya nagpapakita sayo?" tanong niya.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa nagpapakita sa akin si Mike. Nahihiya akong sabihin na gusto ko siyang makita. I don't want him to assume that I'm interested in him.

The Mistress Where stories live. Discover now