Kabanata 3

5.4K 88 3
                                    

Naalimpungatan ako sa sobrang ingay.
Inis akong bumangon at naglakad palabas ng kwarto.

"Tito! What are those noises?!" iritado kong tanong sabay tingin ko sa relo ng bahay. Ang aga pa!

Sumilip ang ulo ni Tito galing sa kusina. Kaya padabog akong naglakad papunta doon. Nakita kong nagluluto siya ng itlog at mahinang natawa.

"Welcome to leyte again, Lana," he chuckled like waking 8 AM is funny. "Of course, maingay dahil alas 8 na Lana. And your room isn't soundproof. Malamang, maririnig natin ang mga kapit-bahay," giit niya.

Nangalumbaba ako at papikit-pikit pa. I don't know if I can take this anymore. The noises, the sorroundings and all! Walang ka espesyal-espesyal ang lugar na 'to.

Pilitin ko ma'ng matulog ulit, pero hindi talaga kaya dahil sobrang ingay na ng kapit-bahay. Araw ngayon ng linggo kaya may nagkakantahan, may mga batang naglalaro sa labas at mga tambay.

I'm watching every peoples behavior intently, not a surprise that they're already looking at me. Parang pinag-uusapan nila ako. I'm not dumb. Halatang ako ang pinag-uusapan ng mga matatandang nasa di kalayuang teresa ng bahay, nakatambay.

Sa kapilya naman ay may mga tambay na nag-uusap usap din at pamin-minsang napapatingin sa akin. I heaved a sigh. Province, indeed.

Bago't na bagot na ako sa bahay. May TV naman, may wifi rin pero may kulang talaga, at hindi ko alam kong ano.

Hanggang sa dumating ang hapon at narinig ko ang kampana ng chapel... may misa. Kaya, napag desisyonan kong magsimba at inaya ko si Tito Marky.

Huli na kaming nakapasok sa maliit na chapel dahil natagalan ako sa pag-aayos. Nakuha naman namin ni Tito ang atensyon ng mga tao, at halos mabali pa ang leeg ng iba kakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin iyon at magsisimula na ang misa.

The mass went well. Nagsisimula ng magsilabasan ang mga tao dahil tapos na ang misa nang may kumausap sa aking isang ginang.

"Bago kayo riyan?" turo niya sa bahay na tinitirhan namin ni Tito. Tumango naman ako at napangisi siya. I don't want to be rude so I gave her a slight smile.

"Ako pala si Daisy. May tindahan ako ro'n. Kung may kailangan kayo, pwede n'yo puntahan ang tindahan ko," aniya. Business promotion naman pala, akala ko ano na.

Iyon lang ang nangyari at umuwi na kami ni Tito. Habang nagluluto si Tito ng hapunan ay tumambay ako sa labas ng terrace nang biglang may narinig akong mga tonog ng motor. Papalapit na ito hanggang sa dumating na nga sa tapat ng bahay namin.

Nagulat ako sa dami ng mga lalaki! Ang ga-gwapo ng iba, pero mas madami ang panget. Matitipuno ang mga katawan nila at pare-pareho ang mga gupit ng mga buhok nila. Pareho rin lahat ang suot nila na kulay dark blue terno uniform.

Police.

Palinga linga sila lugar at may mga dalang bag. Ano namang ginagawa ng ganito kadaming police sa masikip na lugar na ito? May ibang nakapansin sa kinaroroonan ko at napangisi sa akin.
Seriously? You think I would smile back at you? sabi ko sa isip ko nang hindi ako tinantanan ng titig ng tatlong mga police.

Pinapanood ko lang sila na nag-uusap usap hanggang sa nagpunta sila sa banda kung saan itinuro ni Ate Daisy ang tindahan niya. Wala naman akong natatanaw na tindahan. Doon papunta ang lahat, hanggang nawala na sila sa paningin ko.

Ano kayang ginagawa nila dito at may mga dala silang bag? May headquarters ba sila dito? Well, whatever it is. I don't really care.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagpunta sa kusina. I said, I don't really care, but, it kinda bothers me.

The Mistress Where stories live. Discover now