Kabanata 16

2K 50 4
                                    

Exactly 10 am ay nasa arrival na kami ni Veronica. Lumalabas na ang mga pasahero ngayon galing Tacloban at humahaba ang leeg ko sa kakatingin kung nasaan si Mike.

"Tingnan ko nga kung gaano ka pogi 'yang probinsyanong guy na 'yan."

Sabi ni V sa likuran ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh no, Lana. Hindi ko type ang mga taste mong lalaki. May nerd akong pinuputerya kaya ayusin mo 'yang mga mata mo at baka dukutin ko 'yan!" maldita niyang sinabi at natawa naman ako.

Hindi ko talaga maintindihan kung anong nakita niya sa nerd guy na iyon. Seriously, again, he looks mabaho.

When I drifted my gaze to the guy that is already looking at me. Parang bumagal ang paligid ko at parang naging tahimik ang lahat. He looks immaculate in his white shirt and jeans. Naka black baseball cap din siya at nakalagay sa balikat niya ang isang travelling bag.

Nakangiti siya sa akin habang naglalakad at nawawala na naman ang mata niya. My knees feels weak and woobly habang nakikita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.

"Hi! You're Mike? I'm Veronica, Lana's sister by heart," naunang bati niya kay Mike at nilahad ang kamay niya. Tinanggap naman iyon ni Mike nang nakangiti.

"Hi," he said and he smiled wider that made me froze. Ano bang gagawin ko? Should I hug him? Smile and kiss or run.

"Hi," I smiled. Hiding how nervous I am.

"Okay, mamaya na kayo magtitigan at ihatid na natin siya sa hotel, Lana. You know someone's waiting for you at home," sabay tingin niya nang makahulugan sa akin. Yeah right, nasa bahay si Shellynaghihintay.

Veronica drived us to the hotel. Nagmukha pa siyang driver namin dahil pareho kaming nasa likuran ni Mike.

"Ganyan ba talaga kayong dalawa kapag magkasama? Hindi nag-iimikan? Ang boring niyong mag-jowa, ha," panunuya ni Veronica at parang inunat ang balat ko sa pisngi sa sobrang hiya! What the hell is she doing?!

Mike chuckled and glanced at me.

"Mamaya na lang kami mag-uusap," sabay ngiti niyang nawawala ang mga mata.

Kapag ika'y nakatawa? Ako pa ba ay nakikita?

When we arrived at the hotel, the head bell boy greeted us and took Mike's bag. Ayaw niya nga sana, pero napilit ko siya. Hindi na sumama si Veronica sa taas ng hotel at tumambay na lang siya sa lobby. E kasi naman, sa dinami-daming bang hotel sa pilipinas, nakita niya pa talaga si nerd guy. At hindi lang 'yon. Dito siya mismo nagta-trabaho!

The largest suite was located in the 50th floor. Dalawa lang ang pinakamahal na suite sa hotel naming iyon. So, that room is really enormous.

Nang pumasok na kami sa loob ng kwarto ay inilibot niya ang paningin niya sa loob nito. He looks unhappy. Hindi niya ba nagustuhan ang most expensive room namin?

"Is everything fine? H-Hindi mo ba gusto?" alinlangan kong tanong sa kanyang likuran. Napalingon siya sa akin at umiling.

"Nagustuhan ko, Lana. Nanghihinayang lang ako sa laki ng ginastos mo para dito," aniya at ako naman ngayon ang umiling.

"You'll pay me, 'di ba?" pilya kong tanong kahit hindi ko naman talaga siya pagbabayarin.

Umiling siya sabay tawa at hinawakan niyang bigla ang kamay ko. Mariin ang titig niya sa akin. He's very transparent. I can see in his eyes how happy he was while looking at me. He cherished me.

"Sa tingin ko, kahit tumanda na ako ay hindi pa rin kita nababayaran," aniya at may pilyong ngiti na para bang niloloko niya lang ako sa sinabi. "So, paano ba 'yan? Makakasama mo 'ko palagi hangga't hindi pa ako nakakapagbayad," sabay taas ng kilay niya at hindi pa rin nawawala ang pilyong ngiti.

The Mistress Where stories live. Discover now