Kabanata 21

961 27 3
                                    

Tatlong araw akong namalagi sa unit nina Sab bago tuluyang nagdesisyon na bumalik sa trabaho. Mahabang usapan pa ang nangyari sa pagitan naming tatlo para mabigyan nila ako ng palugit na isang linggo bago bumalik ng Italy.

"Whoaaa... May nagbabalik!" si R3 na todo ang reaksiyon.

"Baliw," natatawa kong sabi.

"J4, akala namin nagresign ka na," si R4 na bigla akong niyakap. "Namiss ka namin."

Sinimangutan ko siya at bahagyang tinapik ang likod niya. "Maniniwala na ba ako?"

"Oo, dahil wala kaming maaasaran." Tinaasan ko ng middle finger si R2 na siyang ikinatawa niya.

"Pero seryoso, namiss ka talaga namin J4. Langya, limang araw lang siyang nawala ha," si R1.

"Sus, alam ko namang pinagtritripan ni--"

Natigil ako sa pagsasalita nang may tumikhim. Agad na nagsiayos nang tayo ang apat at binati si Gov. Umigting naman ang panga ng lalaki at mariing nakatitig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"May somethi--"

"Next time, don't hug her or else I'll fire all of you," seryosong sabi niya. Agad naman siyang lumapit sa 'kin at kinalakadkad ako papasok ng kotse. What the fuck?

Nilingon ko ang apat, ang lalaki ng ngisi ng mga gago. Binuksan ni Gov ang passenger seat at sinenyas ang ulo. Umiling ako kaya bahagya niyang tinulak ang balikat ko papasok.

"But Si--"

"I'll drive."

Tahimik na sumunod na lang ako sa utos niya. Umikot naman siya, pumasok ng driver seat at agad na pinasibad ang kotse. Kunot-noong napatingin ako sa side mirror nang makitang walang nakasunod.

"Sir, hindi nakasunod ang kotse ng team C." Pahayag ko habang nakatingin pa rin sa side-mirror. Hindi naman niya ako sinagot kaya nilingon ko siya. "Sir."

"Hindi na sila kailangan dahil kasama naman kita," sagot niya at nilingon ako.

Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin. "Sa daan po ang mga mata Sir, baka madisgrasya tayo."

"Kasama ko ang babaeng gusto ko kaya malabong madisgrasya tayo."

Umayos ako nang upo at tumitig na lang sa labas. Ang weird niya, shit. Panay pa ang banat niya. Ano bang nakain niya?

"Three days ago..." Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "I meant what I've said."

Awkward.

Umayos uli ako nang upo at bahagyang nagbuntong hininga.

"And now, we're going on a date... whether you agree or not." Ginalaw ko ang peripheral vision para tingnan siya. "A date is the payment for walking out after I confessed."

Mas lalong tumahimik ako dahil sa sinabi niya. Napapalunok pa ko kapag nararamdaman kong nililingon niya 'ko. Hininto naman niya ang kotse nang magred ang traffic light. Bahagya akong napakislot nang lumapit siya. Inayos niya ang seatbelt ko kahit... nakaayos naman.

Pigil ang hininga at para na akong tuod dahil hindi pa siya bumabalik sa pagkakaupo. Nakatitig lang siya sakin na para bang mawawala ako. Tangina, ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Napakagat ako ng labi at lakas loob na tiningnan siya.

"Green light, Sir."

Imbis na gumalaw, mas tinitigan pa niya ako. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, dammit. Dagdagan pa na kakaiba ang klase ng titig niya sakin. Shit talaga!

Nakahinga ako nang maluwag nang bumisina ang kotse sa likuran kaya umayos na siya ng upo at nagdrive.

"Where do you want us to go?" May multo ng ngisi sa kanya labi.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon