Kabanata 3

1.3K 50 0
                                    

"I have an offer for you," aniya at ngumiti. Nanatili naman akong seryoso at nakatitig lang sa kanya. Tumikhim naman siya. "Can I get inside?" Humakbang siya papasok pero agad ko siyang hinarangan ng kaliwang kamay ko.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong.

"May offer nga ako sa 'yo. Mag-usap tayo sa loob." Ngumiti uli siya pero nang makita akong seryoso, muli siyang tumikhim.

"Kung gusto mo kong makausap. Bukas na ng maaga," sagot ko.

"A-ah... Ano kasi..."

"9 a.m sharp at Reven coffeehouse."

Tinalikuran ko na siya, pumasok ng bahay at pinagsarhan siya ng pinto. Dumiritsu akong safety switch at hinila pataas ang hawakan kaya muling lumiwanag ang buong bahay. Bumalik ako sa pintuan at hinila ang lalaking bumagsak sa sahig. Binaba ko rin ang dalawang nasa taas at tinali sila sa sala. Wala na ang iba, nakatakas.

Naupo ako sa sofa at tinitigan sila. Mukhang minor de edad pa ang mga 'to. Nakasuot pa sila ng mask. Tsk. Sinandal ko ang ulo sa headrest ng sofa at pumikit.

Bandang alas dose nang magising ang unang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong prenteng nakaupo sa harap nilang tatlo. Ginising niya ang tatlong kasamahan. Naupo naman ako nang maayos.

"Wag kayong matakot. Papakawalan ko rin naman kayo. Bibigyan ko lang kayo ng tips kung paano sumalakay sa isang bahay para magnakaw," sarkastiko kong sinabi.

Napangisi ako nang sabay-sabay silang umiling. Ba't nagbago agad ang isip?

"Ilang araw?" Sabay-sabay silang umiling. "Ilang araw n'iyong pinagplanuhan? Sagot bago ako mainip."

"A-ah... Kuan... U-upat kaadlaw," nauutal at mahina ang boses na sagot ng lalaking may hikaw sa tenga.

"Ano yung upat kaadlaw?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Apat na araw." Mabilis na sagot ng nasa gitna at agad na nag-iwas ng tingin.

Tsk. Apat na araw tapos pumalpak pa sila.

"Paano na 'yan pumalpak kayo?" Nagbend ako at tumitig sa kanila. I tilted my head to the right side as I look at the third thief. "Ilang taon ka na?"

"15...h-ho."

"Tsk. Ang babata niyo pa. Ba't kayo nagplano ng ganito? Iniwan lang kayo nung tinatawag niyong boss. Is this some kind of gang initiation or syndicate?"

Nag-iwas sila ng tingin. Muli akong umayos nang upo at sumandal sa upuan. I crossed my legs and crossed my arms. Napabuntong hininga ako.

"Alis na bago magbago ang isip ko," wala gana kong sinabi sa kanila at sinenyas ang ulo sa pintuan.

By the way, I tied them together except with their hands and feet kaya makakapaglakad pa rin sila paalis. Tiningnan ko lang silang nagtutulungang makatayo. Walang thrill. Napangisi ako.

"Bibilang lang ako ng tatlo at kailangang nakalabas na kayo ng pinto." Nagmadali ang isang kasama kaya muli silang natumba. Napailing ako at nag-umpisa na sa pagbibilang. "Isa... Dalawa..."

Napangisi ako nang maayos na silang nakatayo at patakbong lumabas ng bahay. Tumayo ako at lumapit sa pinto saka sinara.

Kinabukasan, eksaktong 9 a.m, dumating ako sa coffeehouse. Nakita ko naman ang lalaki kagabi na nakaupo sa pinakadulong mesa, malapit sa glass wall. Tinaas niya ang kamay at ngumiti. Tsk.

Naglakad ako palapit, hinila ang upuan at naupo sa harap niya.

"Ah, anong gusto mong coffee?" Nakangiti niyang tanong.

Agent J4Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu