Kabanata 12

1K 41 1
                                    

Umuwi agad kami ng bahay pagkatapos masettle ang away. Si Nanay Flor ang gumamot ng mga pasa ni Gov.

"Ba't naman kasi pumunta kayo Mary, alam mo namang maraming pasaway na tambay roon."

"Sorry Nay."

"Huwag n'yo na pong pagalitan Nana, okay lang naman po ako."

Okay lang ha, tsk. Pagkatapos magamot ang mga pasa niya, nagpahinga na siya sa kwarto kaya nagpaalam na ako sa kanila at umakyat na rin sa taas.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nadatnan ko naman si Race sa kusina.

"Hey, good morning," ngumisi siya.

"Morning, ang aga mo ha."

"Yeah, I heard about what happened to Ryder, so I hurried." Tinanguan ko siya. Napatingin naman siya sa likuran at muling ngumisi.

"What the heck, couz?" Lumapit siya sa pinsan at sinipat ang buong mukha. "Nagpatama ka at talagang sa mukha pa!"

"Tsk, kaya ko naman eh, dumating lang ang ibang kasama kaya dehado ako."

"Morning po," bati ko kay Nanay Flor.

Kumuha ako ng tasa at nagtimpla ng kape. Tumunog naman ang selpon ko kaya lumabas ako ng bahay.

"Oh." Naupo ako sa marbled chair.

"Kumusta?"

"Bored."

He chuckled on the other line. "If I didn't know that you're like that, I'm pulling you out but too sad, I knew you J4." Tsk, you don't know me. "Anyways, I have good news." Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. "The cops captured the two suspects."

"Good, so pwede na kaming umuwi this weekend."

"Of course not, enjoy ka muna diyan saka nahuli pa lang, 'di pa kumakanta."

"Tsk, paanong enjoy, pinagtritripan lang naman ako ng gago mong kaibigan."

Humalakhak uli siya kaya napairap ako.

"Really? Fudge, you should be glad J4! Ryder Gov let you see his other side, mahilig talaga 'yan mangtrip pero 'pag nasa trabaho, seryoso at strikto."

Tsk. Glad my ass! Nagpaalam na 'ko at pinatay ang tawag. Wala naman na siyang ibang sinasabi kundi pagmamalaki niya sa kaibigan. Tumayo na 'ko pero natigil nang makita si Gov na nakasandal sa pader.

"Who's that?"

"Tres," maikli kong sagot at tuluyan nang pumasok. May sinabi pa siya pero 'di ko na narinig dahil tuloy-tuloy akong pumasok sa loob.

Nag-agahan kami kasama si Race na panay pa rin ang pang-aasar kay Gov, pikon nanaman ang huli.

"Couz, kinakalawang ka na kaya gustong-gusto ni tito Ram na may bodyguard ka." Nakangisi niya 'kong binalingan ng tingin. "Pero 'di ka naman lugi, ang gandang bodyguard. 'Di ba po tay Berting?"

"Abay, oo. Swerte si Ryder."

Wala na, pinagkasabwatan na ng dalawa si Ryder. Kung 'di lang sinaway ni Nanay Flor ay hindi titigil.

Agad naman ding umalis si Race pagkatapos kumain, marami pa raw na gagawin. Bumalik naman ng kwarto si Gov kaya napaboring ng buong umaga. Umalis pa sina Nanay Flor at Tatay Berting para mamalengke. Dumating naman si Mary kaya mas lalong wala akong ginawa.

Sa hapon, nagjog ako sa baybay at nagstretching. Pagkatapos, naupo sa malaking bato at pinagmasdan ang paglubog ng araw.

Kinabukasan, nadatnan ko si Gov na nagjojog sa baybay kaya bumalik na lang ako ng kwarto at nagbihis. Asul na jeans at puting blouse. Pagkababa, dumiritsu akong kusina at tumulong kay Nanay Flor. Binati ko rin ang kasama niya.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon