Kabanata 1

1.6K 48 6
                                    

Napasandal ako sa pinto ng inn na tinutuluyan ko at mariing pumikit. Nang sa tingin kong kaya ko na uling kumilos, dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit ng mesa na nasa kaliwang bahagi ng kwarto. Kinuha ko ang sutures, bandages at whiskey na nakapatong saka dumiritsu ng lakad sa kama. Dahan-dahan akong naupo saka sumandal.

Agad kong pinunit ang tela sa hitang nasugatan at binuhusan ng whiskey. Tinitigan ko ang sugat. Sa tingin ko, hindi naman masyadong malalim ang pagkakabaon ng bala pero hindi ko pa rin aalisin para makaiwas ng kumplikasyon.

Napamura ako nang bahagya kong pisilin ang hita. Ilang beses akong nagbuntong-hininga bago muling binuhusan ng whiskey ang sugat, binuksan ang sutures at sinimulan nang tahiin ang sugat. Napapalunok na lang ako habang pinagpatuloy ang ginagawa. Ramdam na ramdam ko rin ang pagdaloy ng pawis mula sa noo patungong pisngi at leeg. Naliligo na 'ko sa sariling pawis.

Kalahating oras bago ako natapos sa ginagawa. Inayos ko ang pagkakalagay ng bandage sa sugat saka tinapik ang magkabilang pisngi. Inaantok nako pero kailangan ko pa linisin ang sugat sa braso ko. Buti na lang daplis lang ang pagkakatama. Napapikit ako sa inis.

Inabot ko uli ang whiskey at ibinuhos sa sugat pero masyadong na 'kong nanghihina para iangat ang mga kamay ko. Tuluyan ko nang pinikit ang mga mata at nagpakin ng antok.

Nagising ako dahil sa ingay na nasa labas. Umaga na pala.

"Ineng? Ineng?" Panay ang katok ng Ali na nasa labas. Ang matandang may-ari ng inn.

Hinimas ko ang likurang bahagi ng leeg, tumingala at napatitig sa kisame. Ang sakit ng katawan ko, dagdagan pa na nakaupo lang ako natulog. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa brasong natuyuan na ng dugo. Hindi ko na natapos kagabi.

"Ineng? Nandiyan ka ba?" Panay pa rin ang tawag ng matanda sa labas.

Pinunasan ko ang pawis at dugo sa katawan bago dahan-dahang tumayo habang nakasuporta ang kaliwang kamay sa hitang nasugatan. Paika-ika akong lumapit sa pinto. Bahagya kong binuksan, tamang siwang lang.

"Bakit po?"

"A-ah may ibibigay sana ako sayong pagkain," aniya nang nakangiti sabay abot ng pinggan.

Inabot ko naman at nagpasalamat saka mabilis na isinara ang pinto nang pasimple siyang tumingkayad para makasilip.

Naupo uli ako sa kama at pinagpatuloy ang paglilinis ng sugat sa kanang braso. Nabaling naman ang atensiyon ko nang tumunog ang selpon kaya dinampot ko ang bag, kinuha sa loob at sinagot ang tawag.

"I kept on calling you last night," nag-aalala ang boses ni K sa kabilang linya. Nagbuga ako ng hangin.

"Pasensiya na may tinapos lang," mahina ang boses kong sagot.

"Nagkita ba kayo ng ulol na magkapatid?"

Napapikit ako at walang gana na sumagot uli. "Yeah, napatay ko silang dalawa."

"Where are you now?"

"Cavite."

Narinig kong nagbuntong hininga siya. "I'm sorry, D. Nag-usap naman na kami ni Morgan and I explained to him. He was mad at first pero ipinaintindi ko sa kanya ang lahat kaya wala ka nang dapat na ikabahala. You're free now. Iyon nga lang, sumingit ang dalawang ulol na 'yun, binayaran ng malaking danyos para habulin ka. Mukhang malaking tao ang humahabol sayo D but don't worry dahil alam na namin kung sino ang naghahabol sayo. Sila ang susunod kong target," tuloy-tuloy niyang paliwanag.

"Salamat sa tulong. Wag ka na ring mag-alala, okay lang ako."

"Per--"

"Papatayin ko na. Tawag ka na lang uli pero mukhang hindi na ang number na 'to ang gagamitin ko."

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon