Kabanata 11

1K 49 0
                                    

Ang sarap sa feeling na nakaganti. Kaya pagkatapos nang nangyari, lumabas agad ako ng bahay. Baka kasi rumesbak ang gago, mabuti nang makaiwas kaya sa baba ako tumambay. Bumabalik lang ako kapag tinatawag. Dumating naman si Mary kaya mas lalong sa baba ako tumambay, maghapon.

Mag-aalas tres nang may tumayo sa harapan ko.

Isang batang babae na sa tingin ko ay nasa 11 to 12 years old. Nakasuot ng may kahabaang jersey short, maluwag na shirt at nakabaliktad na cap. Napangiti ako. Ang boyish ng batang 'to.

"Hello po!" Nakangiti at masigla niyang bati.

"Hi."

"Ako nga pala si Jen-jen Henyo," pakilala niya saka lumabi. "Ano pong pangalan mo at kaano-ano ka po ni Kuya Ryder?"

"I'm Amber. Bodyguard ako ng Kuya Ryder mo."

"Weh?"

Napatawa ako. "Hindi ka rin ba naniniwala?"

Nakanguso siyang tumango. "Kasi naman ate, ang gandang bodyguard niyo naman kung ganoon."

"Nasayo na kung maniniwala ka o hindi."

Naupo naman siya sa tabi ko. "Kanina pa po kita pinagmamasdan mula sa taas, ba't ka po rito tumambay?"

"Wala lang. Ah, masarap kasi ang hangin dito."

"Maruno ka po ba magbasketball?" Biglang tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

"Konti."

Bigla naman niya 'kong hinila kaya napatayo ako. "Tara, laro po tayo."

"Ha? Hindi pwede dahil walang bantay ang Kuya Ryder mo."

"Ako pong bahala sa kanya."

Hilang-hila niya 'ko habang papasok sa loob ng bahay. Nadatnan naman namin sila ni Mary, nag-uusap. Kailan kaya sila mauubusan ng topic na pag-uusapan? Tsk.

"Kuya Ryder!"

"Jen-jen!"

Napabitaw siya sa'kin nang yakapin siya ni Gov at bahagyang binuhat.

"Kuya, hihiramin ko si ate Amber. Maglalaro kami ng basket."

Napatingin naman siya sa'kin pero agad ding nag-iwas. Tsk. Marunong din pala siyang mahiya. Porket nakita ko ang birdie niya. I smirk.

"Ah sige, sa gym ba kayo maglalaro?"

"Opo, lalabanan namin grupo ni Troy."

"Aba, sino 'yan?"

"Kaaway ko po na lalaki, napakahambog!"

Napangiti ako. Nakakatuwang pagmasdan ang batang 'to. Magiliw at mataas ang energy. Bumaling naman siya sa'kin at muli akong hinila. May sasabihin sana ako kay Gov pero tuluyan na niya akong nahila palabas.

Napailing ako at hinayaan siyang hilahin lang ako.

"Angkas ako ate."

Tumango ako sa sumampa sa mountain bike. Umangkas naman siya harap. Ang sabi niya, malayo raw ang gym ng lungsod sa Villa Ignacio ng mga Gallego. Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas, hindi naman ako nabobore dahil walang tigil sa kakakwento ang batang kasama. Aniya, gusto niya raw matalo ang grupo ng tinatawag niyang Troy. Napapangiti na lang ako habang nakikinig sa kanya.

"Liko ka sa kaliwa ate."

Niliko ko ang bike sa kaliwa, isang pababang daan bago tuluyang nakapasok ng gym nila. Bumaba na si Jen sa bike. Napatingin naman ako sa loob. Maraming bata at teenagers na naglalaro. Pinark ko ang bike sa gilid kung saan may nakapark din na mga bike bago sumunod kay Jen-jen.

Agent J4Where stories live. Discover now