Kabanata 13

1K 38 0
                                    

Boring ang mga sumunod na araw. Wala akong ibang ginawa kundi mahiga sa kama. 'Di naman kasi lumalabas si Gov kaya sa kwarto lang din ako. Ang wierd talaga ng gago. Isang araw, ang hilig mangtrip, mang-asar tapos sa susunod biglang 'di mamansin, hindi lalabas ng kwarto. Tsk. Napabuntong hininga ako at napatitig sa kisame. Magtwo-two weeks na kami rito, wala pa ba silang balak na pabalikin kami?

Tsk. Nakakainip.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Napatigil ako sa paglalakad, napatitig sa lalaking malaki ang ngisi at nakadekwatrong nakaupo sa mahabang sofa.

"Yow, J4!"

Tsk. Tiningnan ko ang lalaking kaharap niya. I twitched my lips. Magkaibigan talaga sila, parehang gago.

"Napasunod ka yata?"

"Namiss nga kasi kita." Tumingin naman siya kay Gov. "Shit man, 'yang klase ng titig mo, mapanghusga!"

Bumaling uli siya sa'kin at ngumisi nanaman. "J4, 'di naman kita aagawin." Ha? Anong pinagsasabi ng gagong 'to. "Anyways, aalis kami. Pupuntang rancho ni Race, sasama ka ba o hindi?"

Tsk, magkasama kayong dalawa, 'wag na lang. "No, thanks."

"Hey, you're my bodyguard so you should be with us," si Gov.

"The director gave me options, Sir."

Tinalikuran ko na sila at dumiritsung kusina. Narinig ko naman ang halakhak ni Tres. Ilang minuto lang, nagpaalam sila kay Nanay Flor at umalis.

"Bakit hindi ka sumama hija?"

"Pagtutulungan lang ako ng dalawang 'yon Nay. Kilala n'yo naman ang dalawa, mahilig mang-aasar."

"Naku, sinabi mo pa. Ang kukulit ng mga 'yon lalo na kung magkasama silang apat kasama si Race at Juni."

Naupo ako sa high chair at kumain ng meryenda. Nakikinig lang ako sa mga kwento ng Nanay tungkol sa tatlong gago.

"Nay!"

Napaangat ako nang tingin at bahagyang nagtaas ng kilay. Wala ba siyang ibang ginagawa? Lagi na lang siyang narito. Tsk.

"Si Ryder Nay?"

"Pumuntang rancho ni Race kasama si Tres."

"Nandito si Tres?" 'Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo."

"Kung ganoon, susunod ako!"

"Hay, naku. Hintayin mo na lang sila rito, uuwi naman sila mamaya."

Napatingin naman siya sa'kin. "Bakit nandito ka lang?"

Ewan ko ba sa'kin, malumanay naman ang boses niya pero nahihimigan ko ang hindi pagkagusto.

"Pinili niyang huwag sumama," si Nay Flor ang sumagot. "Oh siya, tulungan mo muna ako rito."

"Si Jen-jen, 'di po ba pupunta rito?"

"Naku, maagang umalis ng bahay at pumunta na namang gym."

Napangiti ako. Ibang klase talaga ang batang 'yon. Pagkatapos kong kumain, bumalik uli ako sa kwarto at natulog. Sa hapon, naligo ako sa dagat habang pinapanuod ang paglubog ng dagat.

Pagbalik ko, nasa sala na sila. Sa gilid ako ng bahay dumaan kaya 'di nila ako napansin. Nagbihis ako at 'di muna bumaba. Panigurado kasing magsisimula na naman ang pang-aasar nila. Bumaba lang ako nang tawagin ako ni Nanay Flor para kumain.

Naupo ako sa tabi ni Gov at nag-umpisang magsandok. Kaharap ko si Race habang tahimik sa tabi niya si Juni. Bahagya ko siyang tinanguan, ngumiti naman siya.

Agent J4Where stories live. Discover now