Kabanata 18

1K 33 3
                                    

Alas onse nako umuwi sa bahay ni Gov kagabi. Dumaan lang ako sa balkonahe at tahimik na pumasok ng kwarto ko.

"Biglaang day off 'yong kahapon ha. Birthday pa naman ni sir Gov," si R1 na tumabi sa'kin.

"Oo nga, saan ka galing?" Pinaningkitan ako ni R3 at sinuri. Nilayo ko ang mukha niya, ngumisi naman ang loko.

"May inasikaso lang ako."

"Talaga?" Inambahan ko naman ng sipa si R4. Tumawa naman ang isa pang loko. "Baka may boyfriend na tong si J4 kaya nagday off. Ano?"

"Gago, wala ah."

"Pasok na sa kotse, palabas na si Sir," anunsyo ni R2. Inakbayan naman niya ako. "Okay lang na 'di mo sabihin samin ang totoong rason pero pakilala mo kami sa susunod ha."

"Loko," siniko ko siya kaya kumalas siya sa pagkakakbay at sapo ang tagiliran na naglakad palapit kay T1. Umayos naman ako nang tayo nang may maalala saka mabilis na lumapit sa kanila.

"Swap tayo R2," pumasok agad ako para 'di na siya makapagreklamo. Kinatok niya ang bintana. Binaba ko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Ikaw hinahanap."

"Yaan mo na." Tinaas ko ang bintana kaya napakamot na naglakad si R2 patungong kotse ni Gov.

"J4," si T1 na nasa passenger seat.

"Sir?"

"Bakit bigla kang nagpaswap, nagpaswap ka rin no'ng pauwi tayo no'ng nakaraan."

"Utos naman niya 'yong una sir saka ngayon, wala lang. Try ko lang."

"Nahihirapan ka na ba?" Umiling ako. "Good. Ito na ang panghuli, 'di ka na pwedeng basta-basta na lang nagpapaswap."

"Yes, sir."

"Bakit kaya nagpaswap no? Ano kaya ang totoong rason," si R3 na kunyari nag-iisip.

"Baka may iniiwasan," si R1 na nagda-drive. Sinamaan ko siya ng tingin nang tumingin siya sa rearview mirror.

"Oo nga, diba bigla kang umalis kagabi, tinawag ka pa ni sir Tres at sinundan ka palabas ni Gov," si R3.

"Ano namang meron?" walang gana kong tanong at tumingin sa labas.

"Syempre, may something!" hiyaw ni R4 saka sila nagtawanan.

"Tama ka R4, may something talaga no. Naalala niyo ba no'ng nakaraang araw, sa passenger seat si sir naupo."

"Yiee, tabi pala kayo no'n ha," sinundot ni R3 ang tagiliran ko.

"Tigilan niyo ko, mga loko kayo." Binuksan ko ang pinto at lumabas ng kotse. Papasara na ang pinto ng elevator ng ground floor nang pumasok ako.

"Good morning sir," bati ko at tumayo sa tabi niya. Nanatili naman siyang seryoso habang nakapamulsa.

Tahimik lang kakming dalawa hanggang sa makarating sa tamang floor at lumabas ng elevator. Nasa likuran niya lang ako nakasunod. Huminto ako sa pwesto samantalang pumasok na siya sa opisina niya. Uupo na sana ako nang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa kanya.

"May kailangan kayo sir?" 'Di siya sumagot at nakatitig lang sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin. Nang muli akong tumingin sa kanya saka niya walang imik na sinara ang pinto.

Anyare sa kanya? Nagkibit-balikat na lang ako at naupo na.

Ganoon lang ang eksena sa sumunod na araw. Sa kotse pa rin ako ng team C sumasakay kahit na sinesermunan ako ni T1 at sa labas ako ng opisina niya nananatili. Before 12, bumababa na agad ako ng cafeteria para 'di niya ko uli maimbita na kumain ng sabay.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon