Kabanata 9

1K 40 0
                                    

Akala ko, pinauwi niya talaga ang dalawang matanda. 'Yun pala, pinagtritripan niya lang ako. Tawa pa nang tawa ang gago kanina. Napabuntong hininga ako naisara ang magazine na tinitingnan nang marinig ko ang hagikhik ng babaeng kasama ni Gov ngayon. Anak nina Nanay Flor, si Mary. Nagpakilala kami kanina. Isang lang ang masasabi ko, hindi ko siya gusto. Tsk.

Umayos ako ng higa sa lounge chair at napatingin sa direksiyon nila. Ang sabi kababata niya ang babae, matagal na kaibigan. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi kaibigan ang tingin ng babae kay Gov. Ang lapit-lapit niya tapos ang huli naman, nakangiti lang at 'di pinapansin ang pasimpleng move ng babae.

Muli akong umayos ako nang higa at saka binuklat ang magazine. Tumunog naman ang selpon ko kaya tiningnan ko ang caller. Napataas ako ng kilay nang makitang si Tres ang tumatawag.

"Oh?"

"Kumusta?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Okay lang. Ba't napatawag ka?"

"Namiss kita eh." Humalakhak ang gago. Tsk, wala namang nakakatawa. "Joke lang. Asan si Ryder ngayon?"

Alam ko naman eh. Parehas naman kayo nitong kaibigan mo, ang hilig mangtrip. Ang sarap lang suntukin.

"Ba't sa'kin ka pa tumawag? Ba't 'di na lang sa kanya?" suplada kong sagot at pinatayan siya ng tawag.

Magtatanong lang naman pala kung nasaan ang gagong kaibigan, sa akin pa tumawag. Nagsend naman siya ng text pero 'di na 'ko nag-abalang basahin. Tiningnan ko ang relo. Alas onse na pero mukhang walang balak na matulog ang dalawa. Aish.

Bumukas naman ang sliding door at lumabas si Nanay Flor.

"Mary, anak. Uwi na tayo at inaantok na ang Tatay mo," malumanay na sinabi ng matanda.

"Nanay naman, masarap pa ang kwentuhan namin ni Ryder," sagot naman ang anak.

Tumawa naman si Gov. "Nana, pwede namang dito muna matulog si Mary."

Napatingin naman sa direksiyon ko si Nanay Flor. Lumapit siya kay Gov at may ibinulong. Kumunot ang noo ko nang malakas na tumawa ang lalaki.

"Nana, I was just joking. Nagbibiro lang po talaga ako kanina." Pinalo siya ng matanda sa balikat.

"Ako nga'y huwag mong binibiro."

"Hindi po talaga, okay lang na nandito kayo," ngumiti si Gov.

"O siya, si Mary maiiwan muna pero kami'y uuwi dahil walang kasama si Jen-jen. Maagang aalis si Juni para mangisda."

"Pakisabi kay Juni na sama ako sa kanya next time, Nana."

"O siya, mag-ingat kayo dine."

Nagpaalam na ang dalawang matanda. Kinawayan ko lang sila. Samantalang nagpatuloy ang dalawa sa usapan.

Umabot ng alas dos ang kwentuhan nila kaya alas nuebe ng umaga nang magising ako.

Napatitig ako sa kisame at tumingin sa kaliwa kung saan may sliding door palabas ng balkonahe. Bumangon ako, pumasok ng C.R at nag-ayos. Buti na lang may sariling C.R 'tong nilaan niyang kwarto ko, 'di ko na kailangang bumaba.

Pagkatapos mag-ayos, dumiritsu akong balkonahe. Binuksan ko ang sliding door at humilig at tinanaw ang tanawin pero bumaba ang mga mata ko sa baba at natanaw ang dalawa. Nakaupo sa lounge chair na malapit sa isang niyog. Grabi, 'di maubusan ng usapan ha. Tsk.

Umalis na 'ko ng balkonahe, bumaba at dumiritsung kusina. Nadatnan ko naman si Nanay Flor na may ginagawa. Inaayos niya ang nilutong pancake at tinimplang juice.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon