Kabanata 16

1K 37 0
                                    

"Hey," napaaangat ako ng ulo nang may tumapik sa'kin.

Tumikhim ako. "Sir?"

"I said, join me."

Ha? Napakurap ako at tumingin sa relo. Shit, alas dose y medya na pala. Masyado akong pre-occupied sa sinabi ni Sab kagabi. Aish.

"J4."

Tumayo ako at lumapit sa mesa kung saan nakalatag ang inorder niyang pagkain. Anyare? Ba't pinapasabay niya 'ko? Naupo ako sa kaharap na upuan at nag-umpisang kumain.

"Why are you so pre-occupied?"

"Sir?"

"I called three times already and you didn't respond. What are you thinking?"

Inabot ko ang tubig at uminom. "Ah, wala naman sir."

Shit, mas awkward 'to. Nakahinga lang ako nang maluwag nang bumukas ang pinto. Napalingon ako. Si Tres! Buti na lang.

"Hey, man."

"Why are you here?" Iritadong tanong ni Gov.

"Makikidisturbo at makikikain."

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang gamit kong tinidor. Bigla namang tumawa si Tres kaya napalingon ako sa kanya. Tumatawang tiningnan niya 'ko then binalik ang tingin kay Gov. Muli na naman siyang tumawa. Shit, nababaliw na ba 'to?

"Stop laughing dumbass!"

"Ouch, no need to kick my leg man." Nakangising nilingon niya uli ako. "Kain ka na ulit, J4." Binigay niya sa'kin ang tinidor ko pero biglang hinablot ni Gov at muling dumaing si Tres.

"What? I didn't do anything."

Tiningnan ako ni Gov. "Continue eating, I'm gonna talk with this fucking intruder."

Pumasok sila sa private room ng opisina ni Gov. Naiwan naman akong nakatingin sa sumarang pinto. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa natapos ako. Nilingon ko ang pintong pinasukan nila pero 'di pa sila lumalabas. Ano naman kaya ang pinag-usapan nila, masyado na silang matagal.

Tumayo ako at kinatok ang pinto. "Sir?"

Bumukas ang pinto at bumungad ang nakangising si Tres. "Yes?"

"Lumalamig na ang pagkain."

Tumango-tango siya bago tuluyang lumabas. Nagpaalam naman ako na bababa muna. Naglalakad ako palapit ng elevator nang tumunog ang selpon ko.

"Oh?"

"Ems! So, when we're going to meet?" Masiglang tanong ni Sab sa kabilang linya.

"Ah, tomorrow or the next day. Kakausapin ko pa si Tres." Pinindot ko ang close button ng elevator.

"Hmm, okay. Kumain ka na ba?" Malisyosa ang boses na tanong niya.

Napailing ako bago sumagot. "Yeah, katatapos lang. Ikaw?"

"Sinong kasabay mo?"

I knew it. "Kasamahan ko sa trabaho."

"Is it the CEO? "

"Tsk, hindi ha. I'm gonna hang up now. Marami pa 'kong gagawin."

"Okay, bye. Love yah."

Pinatay ko na ang tawag at napatitig sa salaming pader ng elevator. Napapikit ako nang maalala ang usapan namin ni Sab kagabi.

"You like him."

Nagsalubong ang kilay ko. "What the fuck are you talking?"

Humalakhak naman siya. "Ems, we've been together for 15 years and I know you so much. Kanina pa kita pinagmamasdan and you were looking at him."

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon