Kabanata 28

805 27 2
                                    

Forty motioned his head towards the adjacent room. I sighed and followed him. Nang makapasok, Forty lifted his left arm and snapped his fingers. Dalawang panibagong punitori na naman ang pumasok. But this time, nakabalot ang mga mukha nila ng itim na maskara.

Pinagmasdan ko ang hubog ng dalawa. Sa tayo at laki ng katawan, I'm sure na babae ang nasa kanan at lalaki naman sa kaliwa.

"This is the official punishment round, D. Kill or be killed," Forty said as he sat at the corner. "Iniziare!"

Sabay na lumapit ang dalawa at inatake ako. Mabilis ang bawat kilos at atakeng binibigay nila, iniiwasan ko naman lahat. Napaatras lang ako nang tamaan ng sipa. Shit, gigil na gigil ang dalawang 'to!

I stood straight, heaved a sigh and balled my fists.

Naunang umatake ang nasa kanan. Sinangga ko ang kanyang braso kasunod ang binti niya then I countered. Mabilis akong umikot sabay angat ng kanan kong paa at itinama sa ulo niya. I moved my left leg at sinipa siya sa tagiliran then my right pero nahuli niya. I quickly put pressure on my left foot bago ako tumalon at sinipa siya sa dibdib.

Nabitawan niya ang paa ko, bumagsak naman ako sa sahig. Mabilis akong bumangon at sinangga ang mga atake ng isa pang punitori.

Napamura lang ako nang mahawakan niya ako sa baywang sabay angat at bagsak sa akin sa sahig. I quickly rolled and lifted my body. Pumosisyon ako at muling mabilis na sinangga ang mga atake nila.

Sinangga ko ang kamao ng nasa kanan ganoon din sa kalawa. Bahagya akong yumuko para makaiwas sa suntok ng nasa kanan sabay ikot at taas ng binti ko para sipain ang nasa kaliwa. Bumaling ako sa kanan at mabilis na sinalo ang kamao niya sabay hila at suntok sa kanyang dibdib. Inikot ko ang braso niya saka ko siya itinulak sa kasama niya.

Umatras ako at muling pumosisyon. The punitori from the left attacked me. Binigyan niya ako ng sipa na agad ko namang sinangga, ganoon din sa isa pa. Pero hindi ko naiwasan ang sunod na atake ng punitori na nasa kaliwa kaya natamaan na naman ako.

Diniinan ko ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang sinasangga ang mga suntok at sipa nilang dalawa. Itinaas ko ang binti at sinipa ang punitori na nasa harap. Umiwas naman ako sa atake ng nasa likuran. Maagap kong hinawakan ang braso niya, hinila saka siya siniko sa dibdib at sinipa sa leeg.

Bumaling ako sa isa pang punitori. Hinawakan ko ang kanyang braso saka ibinalibag sa sahig. On the other side, I quickly caught the leg of the punitori who recovered, lifted at binalibag sa sahig. Pinagsisipa ko siya pero napaatras ako sa patalong sipa ng isa pang punitori na nakarekober.

Sinangga ko ang mga suntok at sipa niya pero hindi ko naiwasan nang maupo siya at sinipa ako sa binti kaya nawala ako sa balanse at bumagsak sa sahig. Napaungol ako nang sipain niya 'ko sa tagiliran. Hinawakan ko ang paa niya, inikes sa akin saka mabilis na tumayo.

Napaatras ako sa panibagong sipa na natamo. I quickly lifted my arms and blocked all the attacks. Muli na naman akong natamaan, this time, sa binti kaya bahagya akong napaluhod.

I gritted my teeth and blocked all their kicks while kneeling. Nang masangga ko ang sipa sa kanan, maagap akong tumayo habang patuloy na sinasangga ang atake nila.

I got hit again.

Natamaan ako sa balikat, tagiliran at binti but I endured the pain. I continued dodging and blocked their attacks.

Hinihingal na umatras ako at tumitig sa kanilang dalawa. Bakit parang familiar ang mga atake nila? Para akong nag-e-ensayo. Shit. Umiling ako at naunang nang umatake.

Yumuko ako para umiwas sa suntok. Tinarget ko ang dibdib niya ng suntok sabay hawak at hila sa braso niya saka ko siya sunod-sunod na tinuhod sa tiyan.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon