Kabanata 20

1K 35 4
                                    

Ilang minuto muna akong nakatayo sa labas ng opisina ni Tres bago tuluyang kumatok. Binuksan ko ang pinto at sumilip.

"J4," gulat na sambit niya.

"Yow," bati ko bago tuluyang pumasok. Nanlaki ang mga mata niya, malamang sa itsura ng mukha ko.

"What the fuck... What the fuck happened to your face?!" Tumayo siya sa swivel chair at nilapitan ako. Sinipat niya ang mukha ko na agad ko namang tinampal. "Shit, what happened? Tell me," demanding ang boses na sinabi niya.

Nginisihan ko siya at nagkibit-balikat. "Wala lang 'to."

"Anong wala?! Tingnan mo nga mukha mo. Bandage sa noo, pasa sa ilalim ng mata, pisngi at may sugat ka pa sa labi!"

"OA ka naman, okay lang ako no." Nilampasan ko siya at naupo sa sofa.

"J4, hindi okay!" Ginulo niya ang sariling buhok. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Lagot ako nito."

Inilingan ko siya bago sinandal ang ulo sa headrest ng sofa at pumikit. "J4, sabi--"

Tinaas ko ang kamay para patahimikin siya. Galing, direktor ko siya pero kaya ko siyang patahimikin no. Umayos ako nang upo at nagbuntong hininga.

"Magreresign na 'ko." Wala siyang sinabi kaya nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya. Kumunot lang ang noo niya at 'di pinansin ang sinabi ko. "Hoys, sabi ko magreresign na 'ko."

"Yah! 'Di ka naman seryoso niyan!"

"Kailan ba ko 'di nagseryoso," walang gana kong sagot.

"J4, naalog ba ulo mo kaya--"

"May dapat akong tapusin kaya kailangan ko nang magresign."

Naupo naman siya sa kaharap na sofa at hinilamos ang dalawang kamay sa mukha. "Paano ang deal natin?"

"Nahuli na ang nagtangka at nagpapadala ng threats sa kanya. Kaya ano pang silbi ko. Okay naman na siya."

Umayos siya nang upo at seryoso akong tinitigan. "I have to tell you this. I visited the main suspect and talked to him. He said that he wasn't the real suspect." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Of course, nung tinanong ko siya, hindi siya umamin pero may sinabi siya sa 'kin, mag-ingat daw si Ryder dahil nasa paligid lang ang totoong kalaban."

"Pinaglalaruan ka lang niya."

"No, J4. Nung time na nagday off ka, may sumusunod samin no'ng araw na 'yun."

"Baka napagkamalan mo lang. Laging nasa likuran ang team C."

"No, sigurado talaga ako."

Napabuntong hininga ako. "I only have less than one week to stay here."

"Hindi ba pwedeng e-extend hanggang mahuli ang totoong kalaban ni Ryder?" 'Di ko siya sinagot kaya napabuntong hininga siya. "Manatili ka na lang muna ng isa pang linggo para mapapanatag ako, J4. Though panatag naman ako na kaya ring protektahan ng team C si Ryder pero kasi..."

Tumango ako bago tumayo. "Titingnan ko kung papayagan ako. Patulog muna ako sa kwarto mo, inaantok ako."

"Okay. Hindi ka ba nagugutom?"

Umiling lang ako bago pumasok sa kwarto ng opisina niya at humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata at agad na nakatulog.

Nagising akong may naramdamang nakatitig sa 'kin kaya agad akong napabangon. Natigilan naman ako nang makita ang taong prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa, napakaseryoso ng mukha.

Napapikit ako sa inis. Humanda ka sa'kin, Tres.

"Who did that?" malalim at mariin ang boses niyang tanong.

Agent J4Where stories live. Discover now