Simula

1.8K 53 3
                                    

"Shit," inis na sambit ko sa sarili nang madaplisan ng bala.

Napasandal ako sa pader na pinagtataguan. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi habang tinatali ng pinunit kong tela ang brasong nagdurugo. Muli akong tumayo nang marinig ko ang yapak nila.

"Run baby, run!"

Damn. Naiinis sa sarili na nagpatuloy ako sa pagtakbo habang iniisip kung paano nila ako natunton. Lumiko ako sa kaliwang eskinita pero agad ding napahinto sa gitna.

"Gotcha," nakangising sambit ni Trek na sumulpot sa dulo ng eskinita.

Unti-unti siyang lumapit kaya umatras ako at akmang babalik sa pinagtakbuhan nang maharangan na ni Tren ang entrance. Langya, nacorner nako ng dalawa!

Trek and Tren are twins. Both Russian assassins. Maybe ipanadala ng org or ng mga taong pinatay ko para patayin at patahimikin ako. Sigurado akong ang panghuli ang sagot. Tumatanggap kasi ng kahit anong mission ang dalawang 'to kahit labag na sa patakaran ng org. In short, dalawang traydor! Papatay ng dating kasama para sa pera.

Biglang itinaas ni Trek ang baril na may nakakabit na silencer at ipinutok sa kaliwang hita ko. Fuck!

"Easy buddy. you don't have to rush," nakangising sinabi ni Tren sa kakambal. Tumayo ako nang maayos at hindi ininda ang natamaang hita habang unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko.

I know, dehado ako sa kanila dalawa dahil maliban sa dalawa sila, Malaki rin ang panangatawan ng dalawa. But the fuck I care, I can take them down. Fuck them!

Nilingon ko si Trek at tinakbo ang direksyon niya para umatake. Sinangga niya ang mga suntok ko at mabilis ang galaw na gumanti ng atake. Nang makakuha ng tyempo na mahawakan ang kaliwang braso niya, agad akong umikot at pinilipit. Nabitawan niya ang hawak na baril.

"Damn you woman!" galit niyang singhal. Itinaas ko ang kanang braso saka siya malakas na siniko sa dibdib. Tumalon agad ako para masipa si Tren at mabilis na yumuko sa suntok na galing sa likuran. Hinawakan ko ang paa ni Tren saka hinila at inagaw ang hawak na baril.

Nahawakan ako ni Trek at agad na pinulupot ang kaliwang braso sa leeg ko. Sinubukan kong bigyan siya ng upper cut pero mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakapulot sa'kin kaya tumalon ako at nagflip. Mariin kong hinawakan ang buhok niya at itinama sa tuhod ko ang likurang bahagi ng ulo niya saka walang pagdadalawang isip na sinaksak ang leeg ng dalang swiss knife.

Npatingin ako sa kay Tren. Nagtaas uli siya ng baril at ipinutok kaya mabilis kong itinaas ang katawan ng kapatid niya.

"Brother!"

Ngumisi ako. Binitawan ko ang kapatid niya at sinaksak ang hawak na swiss knife sa dibdib saka patakbong lumapit sa kanya. Sinangga niya lahat ng atake ko. Nahawakan ko naman ang kamay niyang may hawak na baril. Sinuntok ko ang palapulsuhan niya para mabitawan niya ang hawak saka tumalon at itinama ang tuhod sa dibdib niya. Bahagya siyang napaatras.

Ginalaw niya ang leeg at naunang umatake. Sinangga ko uli ang kamao niya pero mabilis niyang nahawakan ang kanang braso ko at hinila. Napaungol ako nang pilipitin niya ang nahawakang braso ko at mariing hinawakan ang sugat ko. Fuck! Iginalaw ko ang kanang paa at sinipa siya.

Umatras ako at hinawakan ang braso. Muli siyang umatake kaya patakbo ko siyang sinalubong, sumampa sa leeg niya at binigyan ng headbat kaya pareho kaming natumba. Agad kong pinulupot ang magkabilang paa sa leeg niya. Hinawakan niya ang hita ko at diniinan ang sugat.

Napaungol ako sa sakit pero binaliwala ko. Hinawakan ko ang kamay niya saka paulit ulit na ginalaw ang binti ko hanggang sa mawalan siya ng hininga. Hinihingal na kinalas ko ang magkabilang binti sa leeg niya. Napahiga ako sa semento at tumitig sa madilim na kalangitan.

...

Thank you for reading!

Agent J4Where stories live. Discover now