Kabanata 25

881 25 4
                                    

"J4, Ryder my man, what's the real score now?"

Natigilan ako sa tanong ni Tres. Shit, sasabihin ko bang walang label? Walang label, landian lang.

"I'm courting her, man."

"Really?!" Hindi makaniwalang tanong ng loko. Nakaawang pa ang labi niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Gov. Then, he let out a loud laugh that made me roll my eyes.

When he noticed that we are all looking at him, he stopped laughing and cleared his throat. He looked at me, still smirking.

"J4, Ryder Gov never courted a woman, ikaw pa lang. You're really different ha and I am amaze."

Lumawak ang ngisi ni Tres. Then, he stared and Gov. They stared at each other.

"You're embarrassing me, Tristan Zeus!"

Tristan Zeus pala real name ng loko.

"I'm not embarrassing you, my man. I'm just telling J4 that she's the first woman you've courted. She's lucky."

"Swerte talaga ni J4 sa'yo Gov!" Hirit naman ng lokong R3. Dahil sa kanya, nagsunuran ang tatlo pang loko. Kahit si T1 nakisama!

I sighed and shook my head. Ang kukulit nilang lahat! Inaasar-asar nila kaming dalawa ni Gov hanggang sa magdemand sila ng inumin.

"Soju! Soju! Soju!" Sabay-sabay na sigaw nina R1, R2 at R3. Napapatingin tuloy ang ibang customer sa amin.

"Hoys, hinaan ninyo ang mga boses," mahinang sita ni R4.

Napatingin naman ako kay Gov nang ramdam ko ang titig niya sa'kin.

"What?" He smirked and motioned his head to team C. I smiled wryly. "Why are you asking me?"

"Because you're the boss." Mahina kong sinuntok ang braso niya. He showed me an amuse look.

"Ewan ko sa'yo."

He chuckled and whispered to my ear. "Then, no soju."

Kinurot ko tagiliran niya. He slightly groaned, sat straight and looked at the guys in front. "Okay, soju it is."

"Yeheey!" Hiyaw ni R3 at tinaas ang chopsticks na hawak.

"Thank you Gov," si R2.

Tumayo naman si R1 at nagbow. "Maraming salamat, Sir!"

"Hoy, puro kayo kalokohan," sita na naman ni R4 at hinila si R1 paupo.

"Si J4 pasalamatan ninyo, narinig ko, siya raw ang boss!" Hirit naman ni Tres kaya nanlaki ang mga mata ko. Aish, mapang-asar na tingin na naman tuloy ang binigay sa'kin ng mga loko.

"Hoy! H-hindi ka--"

"Yes, she's the boss."

Napapikit ako nang maghiyawan ang mga loko at inasar na naman ako. Buti na lang, nilapag na ng waitress ang mga soju sa mesa kaya nabaling ang atensiyon ng mga loko sa inumin.

Napatingin ako kay T1 nang tumayo siya, tinaas ang bote ng soju sa gitna ng mesa. "Cheers for J4 and Sir Gov!"

Mabilis naman nilang inilapit ang kanila. I sighed when they looked at me. Kinuha ko ang soju at nakicheers na rin.

"Sir Gov, may tanong ako, okay lang ba?" Si R4.

"Okay, but first, I have a clarification. All of you, please refrain from calling me Gov. Instead, call me Sir Ry. Gov is exclusing only for J4."

"Yes, Sir!" They shouted in chorus.

"J4, ang haba naman ng hair mo!" Flinip ni R3 ang kunyaring mahabang buhok. Napapatawang napailing na lang ako habang nakatitig sa bote ng soju.

Agent J4Where stories live. Discover now