Kabanata 2

1.4K 49 2
                                    

Palipat lipat ako ng lugar sa loob ng dalawang buwan. Isang linggo lang ako nanatili at agad na aalis para lumipat. Mula Batangas nagtungo akong Laguna, Caloocan, Leyte hanggang sa napadpad ako rito sa Butuan City, Agusan del Norte. Ginamit ko ang pekeng I.D para makasakay ng ferry at tuwing may check point 'pag pinapababa ng bus. Mindanao na 'tong pinunta ko kaya malabong masundan pa nila ako uli.

Naupo ako sa isang pang-isahang sofa at tumitig sa kisame. Nakatira ako ngayon sa isang two-storey house. Ako lang mag-isa. Nirentahan ko lahat at mag-iisang buwan nako rito. Nakakuha kasi ako ng trabaho. Call driver ng mga taong ginugugol ang buong gabi sa mga clubs.

Tumingin ako sa suot na relo. Ala-una na ng madaling araw kaya nagsimula akong magbilang sa isipan ko. Isa... Dalawa... Tatlo. Tumayo agad ako at sinagot ang tumutunog na selpon.

"Asa na gid ka, bayhana ka?!" Sigaw ni Jose sa umaga, Jovy sa gabi. Amo ko. (Nasaan ka na bang babaeng ka?!)

"Coming," walang ganang sagot ko.

Pinatay ko na ang tawag at umangkas sa bike na binili ko last three weeks. Malapit lang naman ang club dito kaya bike lang ang ginagamit ko. Mabilis akong pumadyak at lumiko sa kaliwa, palabas ng eskinita. Mas binilisan ko pa nang nasa highway na 'ko saka lumiko sa kanan. Ilang minute lang, huminto ako sa gilid. Katabi ng mga nakahilerang kotse.

Tumingin ako sa club. Supremo. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Nilagyan ko ng kandado ang bike bago lumapit kay Ced, kasamahan ko sa trabaho. Tinuro niya sakin kung sino ang ihahatid ko.

"Dako na mutip kay panagsa ra na siya dire. Taga-Manila. Sa Grand Viz siya ihatod," bulong niya at tinapik ako sa balikat. (Malaki 'yan mangtip dahil minsan lang dito. Tiga-Manila at sa Grand Viz mo siya ihatid.)

Tinanguan ko siya at lumapit na sa isang BMW na kotse. Inayos ko ang suot na cap bago pumasok sa loob.

"H-Hi... Hik."

Tiningnan ko siya sa rearview mirror. Nakahiga na siya sa backseat, sumubok na umayos sa pagkakaupo pero lumagapak siya sa sahig. Pinandar ko na ang makina at nagdrive. Panay pa rin ang lalaki sa pagdadaldal pero hindi ko naman pinapansin. Niliko ko sa kaliwa ang kotse hanggang makalabas ng street. Unti-unti kong binilisan ang pagpapatakbo hanggang makarating ng main highway.

"M-misssss... M-almakinig ka shakin..."

Napailing ako. Napadaldal niya, tsk.

Seryoso lang ako nagmamaneho habang nakatuon sa kalsada ang mga mata. Nabaling lang ang atensyon ko sa side-view mirror nang makitang may nakasunod na dalawang motor. Hindi ko na lang pinansin at mas inapakan ang accelerator pero bumilis din ang pagpapatakbo nila. Tumingin naman ako sa rearview mirror at nakitang tulog na ang lalaki.

Bumaling ako sa harap at dahan-dahan na inapakan ang brake. Muli akong tumingin sa side mirror. Nakasunod pa rin. Fuck. Ako ba ang target nila o ang lalaking nasa likuran?

"Sir," tawag ko pero walang sumagot kaya ginalaw ko ang gearstick, minaubra ang manibela at lumiko sa kaliwa. Mas inapakan ko pa ang accelerator.

Tumingin ako sa side mirror bago lumiko sa kanan, nilihis ko ang daan, papalayo sa lokasyon ng Grand Viz. Tinawag ko uli ang lalaki pero mukhang tulog na. Ginalaw ko ang gear stick at lumiko sa kanan. Kanan uli hanggang bumalik ng main highway.

Tumingin uli ako side mirror. Damn, nakasunod pa rin. Mukhang mapapasabak ako nito. Aish, bahala na.

Mariin kong inapakan ang accelerator then ang break at lumiko sa kaliwa. Inapakan ko ang clutch pedal saka accelerator. Nagsalubong ang kilay ko nang may nakaharang na kotse sa harap at nakatutok ang baril sa direksiyon ng sasakyan. Damn.

Agent J4Where stories live. Discover now