Kabanata 8

1.1K 41 1
                                    

Kinabukasan, binulabog ako nang malakas na katok sa labas. Napabangon ako at tiningnan ang oras. Shit. Alas singko na! Ba't 'di ko narinig ang alarm? Bumaba ako ng kama at naglakad palapit ng pinto. Seryoso ang mukha pero magkasalubong na kilay ang bumungad sa'kin.

"Yah, we're going to be late!" Ha? "First flight," iritado ang lalaki.

Oh, shit!

"20 minutes," mabilis kong sinabi.

Muli kong sinara ang pinto at mabilis na pinasok ang mga gamit sa handbag. Mabilis ang kilos na lumabas ako ng kwarto, pumasok ng banyo para magtoothbrush at maglinis ng katawan. Pagkatapos, muli akong bumalik ng kwarto pero napatigil ako.

"What the fuck are you wearing?! We're not going to work!" singhal niya.

Tsk, kailangan talaga sumigaw? Arte mo, gago. Naiinis na pumasok ako ng kwarto at nagbihis. Buti nga, sasama ako eh. Kaasar.

Nagsuot ako ng jeans at itim na sweater. Wala naman na siya sa sala pagkalabas ko ng kwarto kaya dumiritsu na 'ko sa labas. Pumasok ako ng passenger seat at nilingon si R3. Nginitian niya ko bago pinaandar ang kotse. Binaling ko naman ang tingin sa side-view mirror, nakasunod ang dalawa pang kotse. Napabuntong hininga ako.

Tahimik ang biyahe hanggang makarating ng aiport. Tinaas ko ang kamay sa kanila at sumunod na sa linya for boarding.

Magkatabi kami ng upuan ni Gov sa eroplano. Walang imikan. Nakashade siya at may binabasang magazine samantalang naka-earphones ako. Tiningnan ko ang relo, alas sais pa. Pinikit ko na lang ang mga mata at natulog.

Nagising ako na nagsasalita ang crew ng plane kaya napaayos ako nang upo. Nang tuluyang makaland ang plane sa Laoag International Airport, tumayo na 'ko at pinauna si Gov. Tinanguan ko naman ang flight attendant na nagpasalamat.

Pagkalabas ng airport, may sasakyan nang naghihintay kaya diri-diritsu ang mahaba haba pang biyahe patungong Villa Ignacio, isa sa mga lupain ng mga Gallego.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana buong biyahe. Tahimik lang din naman ang driver na sumundo samin. Umayos lang ako ng upo nang unti-unting nawawala ang mga bahay na nakahilera sa daan. Lumiko sa kaliwa ang kotse, isang pababang daan. Then lumiko sa kanan, pataas ang daan hanggang sa tuluyang huminto ang kotse. Napatingin ako sa labas. May isang two-storey house na kulay puti ang exterior ng first floor.

"Nandito na po tayo ma'am, sir."

Nauna akong lumabas at pinagbuksan ng pinto si Gov. Napatingin naman ako sa isang may edad na lalaki na lumapit sa amin.

"Ryder, hijo ikaw na ba talaga 'yan?"

Nilingon ko si Gov. 'Di ko napigilang magtaas ng kilay nang ngumiti ang lalaki at niyakap ang matanda.

"Kumusta na po?"

"Maayos hijo." Nilingon niya ko kaya bahagya akong yumuko. "Sino naman itong magandang babaeng kasama mo hijo? Girlprend mo ba?"

"Hindi po tatay," mabilis kong sagot. Bahagya akong tumikhim. "Bodyguard niya po ako."

Tumawa ang matanda. Mukhang 'di naniniwala pero 'di na lang pinuna ang nasa isip. "Ako nga pala si Berting, isa ako sa tagapangalaga ng lupain ng mga Gallego."

"Kinagagalak ko pong makilala kayo. Ako nga po pala si age... I mean, Amber po."

Tumango-tango ang matanda at nauna nang maglakad. Kinuha ko naman ang mga bagahe sa trunk at akmang bubuhatin nang may nauna na. 'Yung driver na sumundo.

"Ako na po ma'am."

"Ah, 'di na kaya ko naman..."

Napailing ako nang talikuran na niya ako. Napatingin naman ako sa harap kung saan tanaw na tanaw ang kulay asul na dagat.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon