Kabanata 6

1.1K 48 0
                                    

Wala akong ginawa buong umaga kundi tumunganga sa labas ng opisina ni Gov. 'Di na niya kasi ako sinama sa meeting niya kasama ang mga board members. Pagkatapos ng meeting, labas pasok sa loob ang ilang taong may appointment sa kanya. Meaning, sobrang busy niya. Marami ring ginagawa si Mae kaya lalo akong nabobored.

Pagsapit ng lunch, nagpahatid lang uli siya ng pagkain sa loob kaya bumaba na 'ko ng cafeteria. Hinanap ko ang team C at nandun sila sa pinakadulo. Naglakad ako at naupo sa harap ni R4. Binati naman nila ako. Tinanguan ko lang sila at nag-umpisa nang kumain. Nagpatuloy naman sila sa usapan.

"Nga pala, nagkaayos na ba sina sir Gov at sir Gilbert?" tanong ni R4.

"Tsk, malabo 'yan. Laki ng galit ni sir Gov sa kanya," sagot ni R2.

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko.

Ay, shet. Kinagat ko ang dila at mariing napapikit. Kailan ka pa sumisingit sa usapang 'di ka kasali, Amber? Napatingin naman ako kay R3 nang inusog niya ang upuan niya sa'kin at bumulong. "Corrupt kasi. Nagalit si sir Gov pero ayaw umamin ni sir Gilbert kahit may ebidensiya na."

"Sino ba 'yang Gilbert? Nagtratrabaho pa rin ba siya rito?" Tanong ko uli. Shit naman, nakapagtanong na 'ko kaya sulitin ko na lang.

"Hmm, CEO siya ng construction company under Ruby at sinisante na siya ni sir 2 days after the investigation."

Tinanguan ko siya at mabilis na tinapos ang pagkain. "Mauna na 'ko and... thanks with the info's."

Nagsalute naman si R3. Tumayo nako at tinalikuran sila. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 30th floor. Tinatap ko ang paa sa floor ng elevator nang biglang bumukas ang pinto. Ha? Exclusive for the CEO naman 'to ha.

Natigilan ang lalaking nasa harap nang makita ako. Umayos naman ako nang tayo at umusog ng pwesto. Pumasok siya at tumayo sa kaliwang bahagi. Ginalaw ko naman ang peripheral vision para tingnan siya. Wala siyang balak na pumindot ng floor kaya nagtanong ako.

"Anong floor kayo, Sir?"

Nilingon niya ko at matamaang tinitigan bago tipid na sumagot. "Same floor."

Tumango ako at muling tumahimik. Nang nasa tamang palapag na, nauna siyang lumabas. Kibit-balikat na sumunod ako sa kanya.

"Are you one of his secretaries?" Biglang tanong ng nasa unahan ko. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan siya. Mukha ba 'kong isa sa mga secretaries ni Gov?

"Hindi," maiksi kong sagot at nilagpasan siya.

Naupo ako sa pwesto. Tumigil naman ang lalaki sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"Mr. Gilbert Puro." Napalingon ako kay Mae nang tawagin niya ang lalaking nasa harap.

Gilbert? Muli kong tiningnan ang lalaki at tinitigan. Ngumiti naman siya sa'kin. Mukha naman siyang maayos at seryoso. 'Di siya mukhang corrupt pero arogante ang dating niya.

"Busy po si sir Ryder. May appointment ka po ba?"

"Do I need to set an appointment to talk with my third cousin?"

Akma siyang papasok sa loob nang tumayo ako para pigilan siya.

"If you have no appointment then you can't get inside Sir," walang emosyon kong sinabi. Napatawa naman siya.

"Whoa, are you his bodyguard?" tanong niya nang natatawa. 'Di naman ako sumagot. "A woman ha. Wala na ba siyang ibang makitang bodyguard para protektahan siya or maybe you're his fuck buddy."

Tsk. Akmang sasagot na 'ko nang bumukas ang pinto sa likuran.

"Mae..." Natigil siya sa pagtawag kay Mae at agad na mas sumeryoso ang mukha. "What the fuck are you doing here?" mariin niyang tanong at nagsalubong ang kilay.

Agent J4Where stories live. Discover now