Special Chapter

391 7 1
                                    

Surprise! Ang tagal po ba ng request ninyong special chapter? Sorna po, madalas na hiatus ang writer niyo, tapos tamad pa (HAHA). Anyways, ito na po, sana hindi waley, sana magustuhan niyo po.

...

Napamulat ako ng mga mata at nilubog ang katawan sa ilalim ng tubig nang narinig ko ang sunod-sunod na sigaw ni Jen-jen. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang tumatakbo palapit ng baybay.

I heaved a sigh and started swimming near the shore. Nang nakarating, inayos ko ang nagulong buhok at lumapit kay Jen-jen na nakangiting nakatitig sa akin. Just like the first time I saw her, she's wearing a jersey short and loose shirt then paired it with a cap.

"Kumusta, Jen-jen?" Pinatong ko ang kanang kamay sa kanyang ulo.

"Masaya po, ate Ganda! Alam mo po kung bakit?" Masiglang sagot niya.

"Bakit?"

"Dahil nakita po kita!"

Napangiti ako at pinulot ang tuwalya sa buhangin at dinapo sa basang buhok. "Asus, binobola mo naman ako."

"Hindi po kaya," sumabay siya sa akin sa paglalakad. "Ate Ganda, nasaan po si Kuya Ryder? Ba't mag-isa ka lang po?"

"Nasa airport ang kuya mo, may sinusundo."

"Sino po?"

"Mga kaibigan niya raw."

Gusto niya sanang sumama ako sa pagsundo pero nagpaiwan lang ako dahil ayokong ma-out of place. I know, hindi naman niya ipaparamdam sa akin pero hindi talaga ako komportable lalo na't hindi ko naman sila kilala. Hindi naman siya namilit kaya si Race lang ang kasama niya.

"I'm back, baby."

Napatingin ako sa pintuan at pinagmasdan ang mukha ni Gov na nakasilip. He grinned like an idiot kaya napairap ako.

Tuluyan na niyang pinakita ang buong katawan saka lumapit sa akin. Sinara ko naman ang librong binabasa. Naupo siya at mabilis na pinulupot ang mga braso sa aking baywang.

"My friends are here," umpisa niya. "I wanna introduce you to them." Siniksik niya ang mukha sa leeg ko at pinatakan ng mabababaw na halik.

"Dang, stop it, Ryder Gov."

"Why?" He huskily asked kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Agad akong lumayo at dinuro ang kanyang noo. Hinuli naman niya ang hintuturo ko tapos ang ibang daliri ko saka niya hinalikan ang kamay ko.

"Nakikiliti ako sa balbas mo," nagpigil ako ng ngiti.

"Hmm... Do you mind if you help me shave this thing?"

Napasimangot ako. "Ano? Wala ka na bang mga kamay?"

"I'm very tired, babe," nagpacute siya at umusog. Gumalaw din ako palayo sa kanya. Pero pinigilan niya 'ko saka niya 'ko mabilis na binuhat at inupo sa kandungan niya.

Parang bata na nagpacute sa akin si Gov kaya piningot ko ang ilong niya. Ilang segundo na hindi ko binitawan kaya umungol siya saka niya kinagat ang kamay ko.

"Ryder Gov!"

Natawa lang siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Pababy naman ang damulag na 'to.

"I'm tired, love," bulong niya. "I need kisspirin, aside from this yakapsul."

Napakurap ako at natawa sa sinabi niya. "Where did you learn that ha?"

"Online."

Lumayo ako para tingnan ang mukha ni Gov. Ngiting aso na ang lalaki tapos pumikit at ngumuso.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon