Kabanata 4

1.2K 42 0
                                    

Isang nakangiting Tres ang sumalubong sa'kin pagkalabas ko ng kwarto. Pumalakpak pa siya at tinapik ang magkabilang balikat ko. Tsk.

"Hindi talaga ako nagsisising inalok kita saka 'di mo naman na kailangang e-train ng napiling kong agent. Baka nga, syla ang kailangang mong e-train." Ngumisi siya at tinaas baba ang dalawang kilay. "Anyways, let's go to my office."

'Di pa rin nawawala ang ngisi niya nang pumasok kami ng elevator. Parang tanga lang.

"Ang galing mo. Ang bilis at ang linis ng mga galaw mo," aniya at umaksiyon pa.

Nanatili lang akong walang imik habang nakatitig sa salamin ng elevator. Nang bumukas ang pinto, sumunod lang ako sa kanya. Pakanta kanta pa siya habang naglalakad. Masyado siyang masaya, tsk.

Lumiko kami sa kaliwa at pumasok siya sa panibagong kwarto. Sumunod ako at pinagmasdan ang kabuuan. Typical office type pero more on black and white colors ang theme ng opisina niya. Naupo ako sa pang-isahang upuan kahit di pa naman inaalok.

"Okay, here's your client." Binigay niya sa'kin ang puting folder at naupo sa kaharap na upuan.

Binuksan ko naman agad at binasa ang basic information.

Ryder Gov Gallego IV. 28 years old. CEO of Ruby Group. Tiningnan ko naman ang nakaattach na picture. Makapal ang dalawang kilay ng lalaki. Malalim at seryosong mga mata. Matangos ang ilong. Mapula ang hindi nakangiting labi, chiseled check bones and angular jaw.

"He's my friend and very picky. I send him my trained protective agents but he didn't want any of them. So, this time, I convinced uncle Ramier and send him your videos and--"

"You what?" Kunot-noo kong tanong. Tumikhim naman siya.

"You know videos of your fighting skill and the incident that happened in Butuan."

Napatampal ako sa noo ko. Damn. Sa dash cam niya malamang naretrieve ang mga videos and of course, CCTV sa highway!

"Chill, si uncle lang naman ang makakakita."

Tsk. Tumayo naman siya at lumapit sa table niya. May kinuha siya sa gilid. Tatlong paper bags. "Here. Pinagshopping ko ang secretary ko at pinabili ng suit para masu--"

"Di ko kailangan 'yan," mabilis kong putol sa sinasabi niya.

"Yah, pangthank you ko to sa'yo kaya tanggapin mo na."

"Tsk, ayoko nga." Sinara ko ang folder at iniba ang topic. "Kailan tayo pupunta sa mga Gallego?"

Ngumisi ang gago. "Tanggapin mo muna."

Napairap ako at mas lumawak ang ngisi niya nang tinanggap ko ang paper bags. "Happy?" Tanong ko na puno ng sarkasmo.

Nagtaas baba ang kilay ng isip batang direktor. "Magbihis ka muna?" Tinuro niya ang C.R sa kanang bahagi ng opisina niya. Tsk, daming arte ng loko.

Tumayo na lang ako at agad na nagbihis nang makapasok sa loob. Sinuot ko ang isang itim na pantsuit, white button-down shirt at itim na lightweight blazer. Di nako nag-abalang ibutones ang blazer, lumabas na 'ko.

"Okay, let's go!"

Sumunod uli ako sa kanya, pumasok ng elevator hanggang makababa ng basement. Naupo ako sa passenger seat ng kulay blue niyang BMW M4.

Isang oras ang binyahe bago kami pumasok sa entrance ng village ng mga Gallego. Check muna ng I.D bago tuluyang makapasok. Lumiko ang kotse sa kaliwa bago tuluyang huminto.

Lumabas ako at pinagmasdan ang malaking bahay na nasa harap. Sumunod lang ako nang nasa unahan na si Tres. Bahagya naman akong napatingin sa isang agent na nakatayo malapit sa pinto. Sinalubong naman kami ng isang kasambahay at sinabihan na dumiritsu ng study room.

Agent J4Where stories live. Discover now