Kabanata 30

865 31 2
                                    

I regret what I've said to Tres! Ilang araw na ang lumipas but I still remember how I looked stupid that time. Dagdagan pa ng nakakainis na ngisi ni Tres.

"Si Morgan ang tatawag sa 'yo." I looked at Sab and nodded.

May mission sila at trip kong sumama. Wala, nabobore ako. Pero may usapan kami ni Tres ngayon na pupuntang JL kaya aalis muna ako.

"Gotta go," paalam ko.

"Take care," she blew me a kiss. I smiled at her bago ako lumabas ng unit nila.

Nagtaxi ako papuntang JL. Nang makarating sa kumpanya, diri-diritsu akong pumasok ng entrance. Pero may pumigil sa akin. Bago yata siyang agent.

"I'm Amber Solmerano. I have an appointment with Mr. Tristan Zeus."

Ah, nakalimutan ko apilyedo ni Tres. Buti na lang tumango ang kaharap kong agent saka may kinausap saglit bago ako iginiya. Pumasok ako ng elevator at pinindot ang floor ng opisina ni Tres. 

I slightly smiled. It's kinda good to be back in here.

Humakbang agad ako palabas nang bumukas ang elevator. Napatigil lang nang makasalubong ko si agent C3.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umawang pa talaga ang mga labi niya.

"Missed me?" I smirked.

"Shit, where have you been, agent J4?!"

Weird. Agent C3 just cussed and she even asked me. I slightly chuckled and tapped her shoulder.

"Glad to see you again."

Hindi naman kami close. In fact, hindi magandang ang unang pagkikita namin but the last talk, I think that was it. We're on good terms.

"So, ano ang pag-uusapan?"

"Iyong confession mo na nagseselos ka," Tres smirked. I rolled my eyes in return.

"That was a question."

"Sus, umamin na rin 'yon! Dinaan mo lang sa tanong!"

"Kung walang kwenta rin naman ang pag-uusapan, edi aalis na lang ako."

Nagkunyari akong tumayo, agad naman niya akong pinigilan.

"Oo na, oo na. Opo ka na po ulit, madame."

Napangisi ako at naupo ulit.

"I just want to inform you that I didn't sign your resignation letter. Hence, you're still an agent under my company."

"Edi magsusumiti ulit ako ng res--"

"Huwag ka nang magresign, utang na loob! You're my best agent!"

"Best talaga dahil assassin ako."

Yes. Nasabi ko na kay Tres ang totoo. Noong second or third meeting yata namin. Wala, ang kulit niya. Nadulas ako na agad naman niyang nakuha. He asked me unending questions kaya para tumigil na siya, I told him the truth. Well, hindi naman lahat. Sinabi ko na rin sa kanya na huwag na siyang magdig deeper kung mahal pa niya ang buhay niya. Mukhang natakot kaya tikom na ang bibig.

"I know. Shit, kinakilabutan pa rin ako."

I chuckled.

"Anyways, punta kang training room, susunod ako."

"Bakit?"

"Basta. Punta ka. Turuan mo ng bagong moves ang mga new agents ko."

"Gago."

Hinila naman niya ako patayo at pinalabas ng opisina niya. Tingnan mo 'to, kanina pinigilan ako, ngayon pinagtutulakan na.

I sighed and put my hands inside the pockets of my leather jacket. Pumasok ulit ako ng elevator at pinindor ang floor ng training room.

Agent J4Where stories live. Discover now