Kabanata 10

1K 44 2
                                    

"Hey." Napaangat ako ng tingin. Si Race pala. "Why are you here? Where's Ryder?" Kunot-noo niyang tanong.

Napabuntong hininga ako. "Umalis muna. Ah, biglang nagwala 'yong kabayong sinsakyan ko eh."

Tumawa naman si Race kaya napatitig ako sa kanya. Mas lalong sumisingkit ang mga mata niya. "Maldita talaga 'yon. Alam mo bang kay Ryder talaga 'yong kabayo. Nagulat nga ako dahil pumayag siyang ilabas 'yon na iba ang sumasakay. Kakaiba ka ha. Anyways, asan nga pala 'yong kanya?"

"Di ko napansin. Lumipat kasi siya sa kabayo ko kanina."

"Aish, lokong 'yon." Nagbuga siya ng hangin bago muling tumingin sa'kin. "Sasama ka ba sa'kin o maghihintay ka rito?"

"Dito na lang," mabilis kong sagot.

"Okay, I'll be back in a few minutes." Pinatakbo na niya ang kabayo kaya naupo ako sa gilid. Tumingin ako sa relo, mag-aalas dos na.

Wala akong ibang ginawa habang naghihintay sa dalawa kundi tumingala at tumitig sa maaliwalas na kalangitan. Lumipat nang upo, tumayo at upo uli.

Napabuntong hininga ako. Akala ko few minutes, ba't parang wala na silang balak na balikan ako. Tsk. Tumayo ako at sinisipa ang maliit na bato. Nakarinig naman ako nang mabilis na yapak kaya tumayo ako nang maayos at tumingin sa kaliwa.

"Yow!" bati ni Race. Asan si Gov? Hawak niya sa kabilang kamay ang isa pang kabayo.

"Nauna na sa falls si Ryder. Tara."

"Hindi niya sinabing pupunta ng falls." Lumapit ako at sumampa sa kabayo. Narinig ko namang tumawa si Race.

"Wala naman talaga sa plano. Ewan, biglang pumunta. Loko-loko kasi."

'Di nako umimik kaya tumahimik na.

"Why did you work as a bodyguard?" Napatingin ako kanya. "I mean, with your physique you could be a model."

"Nabored ako na walang ginagawa sa umaga kaya tinanggap ko ang ganitong trabaho."

"So you mean, may trabaho ka sa gabi?"

"Yeah, call driver."

"Whoa, kakaiba ang mga gusto mong trabaho ha. Buti pinayagan ka ng parents mo."

Natahimik ako. "Wala akong parents."

"Oh... my bad, I'm sorry."

"It's okay."

"I'm amazed." Napalingon ako sa kanya. "Nagawa mong maging successful kahit wala kang magulang."

May tumulong naman sa'kin. 'Di na lang uli ako umimik. Lumiko kami sa kanan at pumasok sa kahoy na gate na may karatulang, Villa Ignacio reforestation. Galing. Ang gaganda ng mga nagtataasang kahoy at mga halaman na nasa gilid.

Lumiko kami sa kanan then kaliwa at dumaan sa sapa. Nauna lang si Race nang tahakin namin ang makitid na daan, pataas. Sa ibaba ay ang dumadaloy na tubig na sa tingin ko ay mula sa falls.

Tahimik na kaming dalawa hanggang makarating sa sinasabi niyang falls. Medyo mataas at ang lakas ng bagsak ng tubig sa ibaba.

"Ang tagal niyo!"

Napatingin ako kay Gov na tumayo mula sa pagkakaupo sa malaking bato. Bumaba na 'ko sa kabayo at tinali sa isang niyog katabi ng kabayong nagwala kanina. Napatingin ako sa isang paa nitong may nakataling puting panyo. Nasugatan pala siya?

"Selos ka ba agad couz?" Nakangising nilingon ako ni Race kaya kinunot ko ang noo.

"Shut up!"

Tumawa nang malakas si Race. Isa rin 'tong mapang-asar.

Agent J4Kde žijí příběhy. Začni objevovat