Kabanata 27

863 21 4
                                    

"Sono contento che tu sia tornato, D." Forgus said and flashed a smirk. (I'm glad that you are back, D).

Forgus is the head of ragno organization.

Tumayo si Forgus sa upuan niya at lumapit sa akin. Naglakad siya paikot sa akin.

"One of my favorites is back," hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko. Nanatili naman akong walang emosyong nakatitig sa harap. "I love the way you look. No emotions, stoic face," he chuckled.

Matapos niyang tumawa, agad na nagbago ang expression ng mukha niya. Katulad ko, walang bakas na emosyon sa mukha ni Forgus.

"But, I hate rebels," he smiled wickedly. "Punish her, level 3."

Level 3 punishment? Damn, so pinabalik lang nila ako para patayin. Lahat kasi ng mga assassins na dumaan sa level 3, kung hindi namamatay, lumpo o di kaya'y lasog-lasog na ang katawan.

Lumabas na ng kwarto si Forgus. Napatingin naman ako kay Sabrina. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha pero walang siyang magawa nang hilahin siya ni Morgan palabas. I looked at Forty na siyang naiwan. I slowly balled my fists.

"Kung papatayin ninyo ako, sisiguraduhin kong  mauuna kayo."

Kunot na kunot ang noo ni Forty habang nakatingin sa'kin. I smirked. Too bad, hindi niya maintindihan ang sinabi ko.

Mula sa pinto, pumasok ang mga punitori. To be exact, 13 punishers. Binuka ko ang bibig at nagbuga ng hangin. Okay, iniziamo questa fottuta punizione! (let's start this fucking punishment!)

Tiningnan ko si Forty na lumingon sa mga punitori at sinenyas ang ulo sa direksiyon ko. I tightly balled my fist and moved.

Nauna akong kumilos at umatake. Patalon kong tinuhod ang mukha ng nauna at sinipa ang kasunod. Sinuntok ko ang nasa kaliwa, grabbed his arm then his head and hit it on my knee.

Bahagya akong umatras at tiningan sila na  palibutan ako. Nang may umatake, umiwas ako pakanan. I quickly lifted my arm and elbowed the side of his head and kicked the abdomen of the next one. Sinalo ko naman ang paa ng kasunod, lifted my left leg, kicked his private part and punched his jaw. Sinipa ko agad ang nasa kanan at sinalubong ang sipa ng nasa kaliwa. Muli kong sinipa sa mukha ang nasa kanan na akmang babangon.

"Esuberante," Forty muttered as he watched us from the left corner of the room.

Well, I won't be one of Forgus favorites if I'm weak, dumbass!

Mabilis kong itinaas ang binti at sinipa ang punitoring patalong umatake sa akin. Paupo akong umiwas sa suntok mula sa likuran, mabilis na umikot, humarap at pinunterya ang dibdib niya. I gave him a hard punch that he deserved.

Bumaling ako sa likuran and kicked the left knee of another punitori. Umikot siya at itinaas ang kanang binti kaya bahagya akong yumuko. Nakakuha naman ako ng tyempo na sipain ang private part niya. May sumipa naman sakin mula sa likuran kaya bahagya akong napaabante. Hinarap ko siya at mabilis na sinangga ang suntok niya. May lumapit pa na dalawang punitori kaya magkabilang banda ko sinangga ang mga suntok nila pero hindi ko naiwasan ang ilang atake.

Sinipa ng punitoring nasa kaliwa ko ang aking binti kaya bahagya akong napaluhod. Mabilis kong itinaas ang magkabilang braso at ginawang panangga sa magkasabay na sipa sa bawat gilid ko. Agad akong umatras para makaiwas sa sunod-sunod nilang sipa. Patakbo akong tumungo sa pader, landed my right foot on it saka patalong sinuntok sa mukha ang punitoring sumunod. Paupo akong umiwas sa suntok mula sa kanan and hit his chest. I grabbed his arm, turned around and hit his throat with my left elbow.

Humarap ako sa punitoring nasa likuran ko at tinulak sa kanya ang hawak. Bumaling naman ako sa kanan at sinangga ang kamao niya. I smirked as I twisted it, pulled him and punched his jaw and nose. Binitawan ko siya at umatras. 

Agent J4Where stories live. Discover now