Kabanata 22

900 31 2
                                    

Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng lumabas kami ni Gov. Lagi na kaming sabay na kumain. Madalas din niyang ini-intertwine ang kamay naming dalawa kaya nahihiya na lang ako kapag napapatingin ang team C sa aming dalawa. Oo, nahihiya ako, cazzo!

Masyadong PDA ang gago kahit... hindi naman kami. Oo, nagkiss kami pero wala naman akong naalala na sinagot ko na siya. Sabi pa niya nanliligaw siya pero nakasecond base na agad siya. Shit, ang rupok ko kasi!

"What are you doing?"

Napalingon ako kay Gov na napatigil sa pagbabasa ng documents. Sinara ko kasi lahat ng kurtina ng opisina niya.

"For safety, Sir."

Pinagtaasan niya 'ko ng kilay. "Wala naman nang nagbabalak sa'kin."

"Hindi natin alam kung wala na ba talaga."

This past three days, inaaya ko rin siyang lumabas na kami lang dalawa. Sinasadya ko para malaman ko kung may sumusunod ba talaga sa kanya. So far, it's good. Wala akong napapansin na kakaiba.

"Really?"

Napatingin uli kay Gov. Ngumisi ang gago, tumayo at lumapit sa'kin kaya napaatras ako. Ano naman ang gagawin ng lalaking 'to?

"Why kept on stepping backward, hmm?"

"Huwag ka kasing lumapit," naiinis kong sabi. Mas lumawak naman ang ngisi niya.

Mas lalong naging confident ang gago dahil sa nangyari no'ng nakaraan! Napapikit ako. Ba't kasi nagpahalik uli!

"I want a kiss," demanding niyang sabi. Kinunutan ko siya ng noo. "Para mas ganahan akong magtrabaho."

Naiinis na tinulak ko siya, sakto namang bumukas ang pinto ng opisina niya. Pumasok 'yung babaeng nagpakilalang girlfriend ni Gov no'n.

Masamang tingin ang pinukol niya sa'kin at nang bumaling kay Gov ay biglang lumambing. Napatitig naman ako sa lalaki. Ang seryoso niya. Buti naman.

"What are you doing here?" Gov asked in a cold tone.

"Of course, visiting you!"

"There's no need for that, Rie."

"Oh, come on baby, are you still mad at me?" Lumapit ang babae at hinaplos ang pisngi ni Gov. Napaismid ako nang hindi nag-abalang tampalin ng gago ang kamay na nakahaplos sa pisngi niya.

Pinigilan ko naman ang sarili na magtaas ng kilay nang bumaling sa'kin ang tingin ng babaeng assuming. Yes, assuming. Dahil nag-aasume siya no'ng nakaraan 'di ba. Girlfriend her ass, tsk!

"You, bodyguard, leave us for a whi--"

"No, she'll stay."

Napairap ako. Ano, gustong niyang dito lang ako para panuorin ang paglalandian nilang dalawa? I twitched my lips and shot him a glare. Agad naman akong sumeryoso nang mapadako ang tingin niya sa'kin. Mahirap na, baka akalain ng loko nagseselos ako.

"What? Let her leave your office so we could talk or more than just talk, baby."

"There's nothing to talk, Rie. We're over and stop calling me baby. My girlfriend might get jealous."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano raw? Girlfriend?

Gusto kong ngumisi nang hawiin ni Gov si Rie pero syempre hindi ko ginawa. Lumapit sa'kin si Gov. Bahagya akong nagulat nang hapitin niya ang baywang ko at nilapit ako sa kanya.

"This is J4, my personal bodyguard, and at the same time my girlfriend."

Lilingunin ko pa sana siya nang sumigaw ang ex-girlfriend ni Gov.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon