Kabanata 26

813 25 2
                                    

"Ryder Gov is missing," I said to Sabrina.

Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa'kin bago umiling at malungkot akong nginitian.

"Let's go," malamig ang boses ni Morgan.

I heaved a sigh and brushed my fingers through my hair. Muli kong binuksan ang celpon para basahin ang panibagong mensahe galing kay Tres.

'Confirmed. Ryder is abducted. Where are you, J4? I need your help.'

"Ems..." Tawag sa'kin ni Sab kaya napaangat ako ng tingin at napatitig sa kanya.

"Sab... Can we just move our flight?"

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at napasandal sa upuan. Napabuntong-hininga ako nang marinig uli na tinawag ang flight namin.

"I said let's go," ani Morgan sa mas malamig na boses.

Hindi ako umimik at kumilos.

"Ems. The guy named Tres is an owner of a security agency. They can save him."

I know. Alam ko namang kaya nila. Hindi na ako kailangan. Pero hindi ako mapakali. Isa pa, napag-usapan namin 'to ni Tres.

Nag-angat ako ng tingin at muling tumitig kay Sabrina. "Just this one, please."

Nagtitigan kaming dalawa bago siya naunang mag-iwas ng tingin. Napabuntong-hininga uli ako at napayuko. Hinilamos ko ang dalawang kamay sa mukha.

"Let's go."

Muli kong narinig ang malamig na boses ni Morgan pero hindi ako umimik at kumilos. Nanatili lang akong nakayuko.

"Okay... Let's go and save him."

Napaangat ako ng ulo at awang ang labing tumitig kay Sabrina. She gave me an assuring smile.

"Love," Morgan in a warning tone.

"What?" Nilingon niya si Morgan.

Nagtitigan ang dalawa hanggang si Morgan ang naunang nag-iwas. He heaved a sigh, shook his head before he walked closer to Sabrina and encircled his arm around her neck. May ibinulong si Morgan na ikinagigil lang ni Sab.

"We'll move our flight at 12 noon."

Just like what Morgan said, we moved our flight, checked in a hotel and here I am, nakaupo sa sofa habang nakatitig kay Morgan na natutok sa laptop niya.

Pinagmasdan ko ang mabilis niyang kamay na tumitipa sa keyboard ng laptop. Nasa tabi naman niya si Sab. Everytime Morgan stopped typing, he'll look at Sab and discuss whatever information that he got.

Tumunog naman ang celpon ko kaya nabaling ang atensiyon ko do'n. It's Tres.

"Yes?"

"At last, you answered! Where are you?"

"Confidential."

I heard him groan.

"Do you have a lead now?" I asked.

"No," mahinang sagot niya.

Napatingin ako kay Morgan nang maramdaman ang titig niya sa'kin. Seryoso ang expression ng mukha niya, as always.

"We have a lead now," balita ko kay Tres.

"You, what?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Lead, Tres."

"How?"

I smirked. "I'm with a skilled friend. Gonna hang up now, I'll send you the details later."

Agent J4Where stories live. Discover now