Kabanata 31

947 30 4
                                    

"Love, let's dance!" Sabrina shouted. Ngumiti lang ako at itinaas ang bote ng red horse. Nagpatuloy naman siya sa pagsayaw.

Nagsasayaw lang naman siya sa gitna ng table namin. Kanina sa dance floor pero dahil dumarami na ang mga tao, dito na lang siya malapit sa amin.

"By the way, I invited them!" Sumigaw na naman siya.

"What?"

"I invited them!"

"Who?"

Bago pa man siya makasagot, natuon ang mga mata ko sa taong kumalabit kay Sabrina. Nag-usap sila saglit bago naupo si Ryder Gov sa kaharap na sofa. Napatitig ako sa kanya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"J4, congrats!"

Napalingon ako kay Tres at sinamaan siya ng tingin kahit hindi niya masyadong makita. Lintek na gago kasi. Sumigaw ba naman malapit sa tenga ko.

"Congrats kahit hindi ko alam kung ano dahilan!" Ngiting-ngiti siya, akala mo walang ginawang nakakatanggal ng eardrum.

"Yeah, thanks." I lazily answered at tinungga ang hawak na bote.

"Sabrina texted me, we'll have a celebration for you raw! Hindi naman sinabi kung para sa ano pero pumunta pa rin kami!"

Ba't ang daldal nito? Nakainom na yata 'to.

"For what ba ang celebration na 'to?"

"Wala lang naman," sagot ko at muling tumingin sa gawi ni Gov.

Shit, he was looking at me!

Okay na sana. Pero dumako ang tingin ko sa babaeng naupo sa tabi ni Gov at may ibinubulong. Bumubulong ang anak ng general!

"Oy, may nangangamoy selos!"

Muli kong nilingon si Tres at sinamaan ng tingin.

"Punyeta ka!"

Humalakhak ang gagong ulol at tumungga na rin ng alak.

"By the way, team C is here!"

Naglabas siya ng celpon at may kinausap. Hindi na ako nakinig at muling tumingin kay Gov. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya kahit panay ang kalabit ng ulol na katabi.

"Gusto mo gantihan natin?"

"Ano?" Kunot-noo kong tanong at nilingon si Tres. Ngumisi lang naman ang gago.

Bigla siyang nag-angat ng magkabilang braso at nag-inat saka muling lumingon sa akin sabay patong ng kanan niyang kamay sa balikat ko. Mas lumawak ang ngisi ng lokong Tres. May pagalaw-galaw pa siya ng kilay.

"Alisin mo!" Asik ko.

Parang bata na umiling ang gago at tumingin sa gawi ni Gov. I also looked at him through my peripheral vision pero hindi naman siya nakatingin. I frowned. Sisinghalan ko sana ulit si Tres nang bahagya niyang pisilin ang balikat ko sabay higit papunta sa kanya kaya sobrang lapit na naming dalawa. Aish, nang-aasar talaga ang gago!

Mas lalong kumunot ang noo ko nang nilapit niya ang bibig sa tenga ko sabay bulong na hindi ko naman maintindihan. Then, bigla na lang siyang humalakhak sabay alis ng kamay niya sa balikat ko. Umusog din siya nang kaunti palayo sa 'kin. 

"Damn, that was fun!"

"Fuck you!"

Tumawa lang ang loko. Uupakan ko na sana pero dumating ang team C.

I looked at them. Natigilan pa silang apat maliban kay T1. I stood up and walked towards them.

"Yow guys, it's been a while!"

Agent J4Where stories live. Discover now