Kabanata 24

890 26 3
                                    

"Let's have a date," I repeated. Napakurap pa siya bago unti-unting pumorma ng ngiti ang kaninang nakaawang niyang labi.

"Really?"

I slighly chuckled when his eyes sparkled. Para na naman siyang bata na masayang-masaya na inaya ko.

"Yep." Tumuwid ako nang upo at bahagyang nilapit ang mukha sa kanya. "I've never been to amusement park kaya kung okay lang sa 'yo, gusto ko sanang doon tayo magdate para masaya."

He nodded like an obedient child. "Okay, no problem with that."

Tuwid siyang tumayo at kinuha ang selpon sa trouser na suot.

"Mae, please move my remaining meetings. I have a date. Thank you."

Umawang ang labi ko sa narinig. "Akala ko ba wala ka nang gagawin?"

"Hmm, wala na ngayon," he smirked. I shook my head and smiled.

"Okay, Boss."

"No," muli siyang yumuko at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "You're my boss."

Pabiro kong tinulak ang mukha niya. Tumayo naman na ako at naunang maglakad palabas ng opisina niya.

"Saang amusement park tayo?" I asked him as we entered the elevator.

"Saan mo ba gusto?"

"Wala akong alam e, first time ko nga ngayon."

"Okay, sa Star City tayo," nakangiti niyang sabi sabay akbay sa'kin at lapit sa kanya.

Tinanggal ko lang pagkakaakbay niya sa'kin nang nasa basement na kami pero hinawakan naman niya ang kamay ko at naunang naglakad.

Gaya kanina, sa passenger seat na naman ako.

"Please, tell the team C that we have a date."

Napakurap ako sa sinabi niya. Shit, aasarin na naman ako ng mga gago. I sighed and clicked the PPT.

"Team C, huwag na muna raw kayong sumunod... May date kami ni Gov."

Agad kong tinanggal ang radio earpiece.

"Nga pala Sir, uwi siguro muna tayo."

"Why?"

"Masyadong pormal ang suot natin tapos pupunta tayo sa isang amusement park."

He chuckled and nodded. "Since you're the boss, let's go home first."

Pagkarating namin sa bahay, mabilisang bihis ang ginawa ko. I just wore black ripped jeans and white sweatshirt then paired with high top, white sneakers.

Binaliktad ko ang suot na black baseball cap habang palabas ng bahay. Napahinto ako sa paghakbang at bahagyang tumawa nang makita ang suot ni Gov.

Is this coincidence? He's also wearing clothes, same as mine. Ang kulang na lang sa kanya ay cap.

"I should wear cap too so it will be a couple outfit," he said while smirking.

Naglakad na uli ako, ngumisi at pabiro siyang sinuntok sa braso. "May cap ka ba?"

"Wait, I'll get it."

Hindi ko na siya napigilan dahil mabilis siyang umalis at muling pumasok ng bahay. I smiled as I leaned on the car's hood. Ilang minuto lang, lumabas na si Gov at may suot na ring baseball cap. Hindi nawawala ang ngisi niya habang binubuksan ang pinto ng passenger seat.

"Get in the car, boss."

"Thank you, Sir."

Mabilis siyang umikot at naupo sa driver seat. He held my left hand as he started the engine and drove.

Agent J4Where stories live. Discover now