Kabanata 7

1.1K 44 0
                                    

Busy si Gov sa mga sumunod na araw. Marami siyang meetings and one-on-one sessions sa mga employees. Kaya as usual, nasa labas ako, walang ibang ginawa kundi tumunganga.

It was Friday when he let me stay inside his office. Ang awkward lang. Masasabi kong sana sa labas na lang ako kaysa sa loob ng opisina niya. Wala rin naman akong ibang ginagawa kundi tingnan ang lalaking nasa gitna, nakaupo at nagchecheck ng mga files. Tulad ngayon, nasa loob pa rin ako ng opisina niya. Pero nilipat ko ang posisyon ng upuan para hindi ako sa kanya direktang nakatingin.

May ilang employees pa rin na pumapasok at nagpapasign ng mga documents. Napabuntong hininga ako at napapikit. Iniisip ko ngayon nang mabuti kung tama ba ang desisyon kong pumasok sa ganitong trabaho. Aish.

Past 10 a.m nang sabihan niya 'ko na lumabas muna para magmeryenda. Hindi naman nako tumanggi at agad na lumabas pero nasa labas lang naman talaga ako ng pinto. Hindi naman ako nagugutom. Awkward lang talaga sa loob.

Naupo ako sa upuan at napaisip. Ang weird ng lalaking 'yun ngayon. Una, niyaya niya ko ng agahan no'ng isang araw. Then, pinapasok sa loob ng opisina niya at ngayon pinagmemeryenda ako. Anong nakain niya?

'Di nako bumalik sa loob at nanatili lang sa labas. Pasado alas-dose nang bumukas ang pinto at lumabas siya. Napatingin pa siya sa gawi ko bago tuluyang naglakad. Sumunod ako sa kanya, sumakay ng elevator hanggang makarating ng basement.

"Uuwi na po ba sir?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.

"Nope. I'll be having lunch with a client," cool niyang sagot at pumasok ng kotse. Umikot naman agad ako. Pinaandar ang makina at nagdrive.

"Saang restaurant sir?" Tumingin ako sa rearview mirror.

"Evergreen."

Tumango ako at nagpokus sa pagda-drive. Tatlongpung minuto ang lumipas bago kami nakarating sa resto. Pinark ko ang kotse sa parking space, mabilis na lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.

"You can seat near our table," aniya at naunang maglakad.

"Yes, sir."

Nilingon ko ang team C na nagpark sa katabing space bago ako sumunod kay Gov papasok. Nagsimula na ang pag-uusap ng dalawa nang maupo ako sa katabing mesa. Napatingin naman ako sa waiter na binigyan ako ng menu. Tumikhim ako.

"Tubig lang."

"Okay, ma'am."

Dumating naman agad ang tubig na hiningi ko. Pasimple akong uminom at pinagmasdan ang ibang customer hanggang mapadako ang paningin ko kina Gov.

Ngitin- ngiti ang babaeng kaharap ni Gov. Maganda siya at maputi. Napakunot-noo ako nang abutin nito ang kamay ni Gov at pasimpleng hinaplos. Tiningnan ko naman ang reaksiyon ni Gov. Nakangiti rin. What the fuck? Akala ko ba client?

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang lumingon si Gov sa gawi ko. Nilabas ko na lang ang selpon kahit wala naman akong gagawin nang biglang may sumabog. Napasigaw ang ibang customers, marahil sa gulat.

Agad akong tumayo at lumapit sa glass wall ng resto. Kitang kita ang sumisiklab na kotseng katabi ng kotse ng team C.

"J4, 'wag ka nang lumabas. E-secure mo si Mr. Ryder," utos ni T1 sa kabilang linya.

Pinindot ko ang PPT at sumagot. "Yes, sir."

Nanatili akong nakatayo malapit sa glass wall at sinuri ang mga kaharap na building sa labas hanggang sa mapadako ang paningin ko sa gitnang bahagi ng kaharap na building. Shit.

"Get down!" sigaw ko at mabilis na hinagip si Gov padapa sa sahig. Nabasag ang glass wall ng resto at muling nagsigawan ang mga tao.

"Gapang sir."

Agent J4Where stories live. Discover now