Kabanata 5

1.1K 42 0
                                    

Ngayon ang pormal na magiging unang araw ko sa trabaho. Na briefing na ako ni Tres kagabi at ipinaliwanag na may back up team. Yun ang team C ng JLSP Executive Division.

Inabot ko ang selpon at tiningnan ang oras. Napamura ako. Kaasar, alas-kwatro y medya pa. Nahiga uli ako at sinubukang matulog pero gising na gising na ang diwa ko. Aish. Bumangon na lang ako, lumabas ng kwarto at pumasok ng banyo para maghilamos. Nagbihis ako ng damit, lumabas ng bahay at nagjog palibot ng village.

Alas-singko y medya nang bumalik ako. Mayroon na ring nagluluto sa kusina. Napatingin sa'kin ang isang matanda na nakasuot ng apron.

"Ah... Morning po," bati ko sabay lapit ng ref at kumuha ng tubig.

"Kaibigan ka ba ni senorito, hija?" malumanay na tanong niya kaya napahinto ako sa pag-inom ng tubig. Umiling ako.

"Hindi po, bagong bodyguard niya."

Tumango-tango naman ang matanda. "Ako si Lucy, mayordoma ako sa kabilang bahay. Pumupunta ako rito tuwing umaga para paglutuan si Ryder," aniya at nagpatuloy sa paghihiwa.

"Ako naman po si Amber. New agent po ng JLSP."

Nag-usap pa kami hanggang sa nagpaalam na 'ko. Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng damit at tuwalya para ma ligo na. Walang C.R ang kwarto kaya sa labas ako maliligo. Nkasimangot na lumabas ako ng kwarto at pumasok ng C.R ng kusina saka mabilisang naligo.

Pagkalabas ko ng banyo, nadatnan ko si Gov na nag-aagahan.

"Next time, wake up early," aniya nang hindi ako tinitingnan. Patuloy lang siya sa pagkain ng agahan niya.

Tsk. 6:30 pa naman ha. Ang aga naman ng lalaking 'to. 'Di na 'ko sumagot at muling pumasok ng kwarto. Sinabit ko ang tuwalyang ginamit. Langya naman, ang hassle nito pero no chice naman ako.

Wala na si Gov pagkabalik ko ng kusina kaya mabilis akong nagtimpla ng kape at kumain ng tinapay. Pagkatapos, dumiritsu na 'kong sala, nadatnan ko naman siyang prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine.

"You consumed 10 minutes of my supposed to be time to ride," aniya at tiniklop ang magazine.

Tumikhim naman ako at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, Sir."

"Starting tomorrow, set your wristwatch in advance. Before 7, we should be at the company." Tumayo na siya at lumabas ng bahay.

Okay, siya na ang dedicated na CEO.

Inunahan ko siya sa paglalakad para pagbuksan ng pinto. Umikot ako patungong driver seat at pumasok. Pinaandar ko agad ang makina at nagdrive paalis ng bahay. Nakasunod naman ang kotse ng team C.

Binilisan ko ang pagpapatakbo nang nasa main highway na kami. Tumingin ako sa rearview mirror at tiningnan si Gov. Nakalagay ang selpon niya sa tenga at may katawagan. Napaiwas ako nang tumingin din siya. Nagpokus na lang ako sa pagda-drive, nakatuon ang dalawang mga mata sa daan.

Nakarating kami ng kumpanya at exactly 7:15 a.m. Hininto ko ang kotse sa entrance at bumaba. Pinagbuksan ko ng pinto si Gov saka hinagis ang susi kay R1 para e-drive niya ang kotse sa basement. Nakasunod lang naman ako kay Gov hanggang pumasok ng elevator. Tumikhim ako.

"What floor, Sir?" tanong ko.

"30th."

Pinindot ko ang 30th at umayos nang tayo. Nang nasa tamang palapag na, sumunod uli ako sa kanya. Huminto naman siya kaya napatigil ako sa pagsunod.

"I don't want anyone inside. So, stay here," malamig nitong sinabi bago pumasok sa loob. Napatingin naman ako sa babaeng dumating.

"Hello. I'm Mae Rodriguez, secretary ni sir," nakangiti niyang pakilala. Tinanguan ko lang siya at gumilid para makadaan siya. Ang aga niya rin.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon