Kabanata 14

994 31 0
                                    

Napatitig ako sa tatlong lalaki na nakahiga sa sahig. Sila 'yong mga nag-iinuman sa tindahang binilihan ko kagabi. Napabuntong hininga ako. 'Yong isang binaril ko sa tuhod kanina, dinala sa hospital kasama si Nanay Flor at Juni. Napangisi ako nang maalala ang expression ng mukha ni Tres.

"Their face are not familiar. Tiga-saan ba ang mga 'to?" tanong ni Gov.

"Tiga-baryo Agnes. 'Di ko alam kung bakit nag-akyat bahay. Mga mababait naman ang' to, lasinggero nga lang," sagot ni Mary.

Tumayo ako at kumuha ng pantali sa kusina.

"Hindi mo naman kailangang itali sila," pigil ni Mary.

"Tsk, mag-aalas tres na, makakatulog ka ba nang 'di sila tinatalian?"

"I'm not sleepy anymore," si Gov at sinandal ang ulo sa headrest ng sofa.

Napairap ako. "Edi ako, matutulog uli."

Tinalikuran ko na sila. Sinundan naman ako ni Race at inakbayan. "Nagseselos ba manok ko?"

"Ulol, tigilan mo ko Race."

Tumawa siya at ginulo ang buhok. "Magpahinga ka na, kami nang bahala sa kanila."

Umakyat na 'ko at agad na humilata sa kama. Mabilis naman akong nakatulog. Kinabukasan, late akong nagising. Pagtingin ko sa suot kong relo, alas dyes na. Bumangon ako, nag-ayos ng higaan at sarili bago tumambay sa balkonahe. Napakunot noo ako nang may yate sa dagat.

Bumalik ako sa loob at kinuha ang binocular. I adjusted the focus wheel bago tuluyang naklaro ang mga nakatayo sa gilid at ang isa pang nasa upper deck.

Sila Gov pala.

Binaba ko ang binocular at sumandal sa railings. Tiningnan ko naman ang hawak na selpon at nagtipa ng numero pero agad ko rin namang dinelete. I sighed. Gusto ko sanang tawagan si K pero nagdadalawang isip ako. Huli naming pag-uusap, nasa Cavite pa ko and that was 3 months ago.

Umalis ako ng balkonahe at naupo sa kama ng ilang minuto bago muling nahiga at tumitig sa kisame. Tumunog naman ang selpon ko.

"Oh?"

"Come here," tumatawang sinabi ni Tres sa kabilang linya. "Man, stop it!"

"Ayoko."

"Ha?"

"Ayoko," ulit ko sabay patay ng tawag. Tumawag ulit siya pero 'di ko na sinagot. Nagsend naman siya ng mensahe.

'Kumanta na ang dalawang suspects at nahuli na ang pasimuno. Uuwi na tayo sa makalawa kaya sulitin natin ang natitirang araw. Come here and it's an order.'

Tsk. Ayoko pa rin. Bumaba ako ng kusina at kumain ng brunch. Pagkatapos, muling bumalik ng kwarto at humiga. Pinikit ko ang mga mata at nakatulog uli. Nagising lang ako nang panay ang katok ng dalawang gago sa labas pero 'di ako nag-abalang pagbuksan sila. Nawala rin naman kalaunan.

Bandang alas dos nang buksan ko ang pinto para sana lumabas nang matigilan ako. Nakataas kasi ang kamao ni Race, akmang kakatok. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ngumisi naman ang gago.

"Baba ka na, sinayang mo ang pagkakataon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nabaliw na ba 'to? Tsk. Nauna akong naglakad at bumaba ng hagdan. Hinila naman niya ako at inakbayan.

"Look at them, hindi ka ba nagseselos?"

Nilingon ko si Race. "Bakit naman ako magseselos?" Mariin siyang napapikit habang pinipigilang 'wag matawa. "Ah basta, kahit ang bagal n'yong dalawa, team Ryam pa rin ako."

Agent J4Where stories live. Discover now